Pedro Calungsod film ineendorso ng Catholic Educational Association

MANILA, Philippines - Isang masayang balita na ang Pedro Calungsod: Batang Martir (kasalukuyang palabas sa ilang sinehan bilang entry ng 39th Metro Manila Film Festival) ay opisyal na ineendorso ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP).

Kamakailan, sa kanyang liham para sa CEAP-accredited schools at universities sa bansa, ang presidente nitong si Narciso Erquiza, Jr., FSC, ay nagsabing ine-endorse niya ang pelikula sa mga estudyante o mga kabataan.

Ayon din sa executive producer na si Ida Tiongson, ang MMFF Playdate Committee ay pumayag na magdagdag ng ilang mga sinehan pa simula Jan. 2 hanggang Jan. 7, upang ma-accommodate ang requests mula sa iba’t ibang Catholic schools na balik-klase galing sa Christmas break.

Tampok sina Rocco Nacino at Christian Vasquez, ang pelikula ay kasalukuyang mapapanood sa malalaking sinehan ng SM, Robinsons, Shangrila Mall, Ever Gotesco Commonwealth, Gateway Mall, Gaisano Mall Cebu, Gaisano Mall Davao, Gateway Mall, Lianas Calamba, at Sta. Lucia East Grand Mall.

Ang Pedro Calungsod: Batang Martir ay mula sa panulat at direksiyon ni Francis O. Villacorta.

 

Show comments