Nilinaw ng kontrobersiyal na magkarelasyon na sina Chito Miranda at Neri Naig ang tungkol sa balitang ikinasal na silang dalawa. Marami ang naintriga sa pag-post ng lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar sa kanyang Instagram at Twitter account ang greeting na “Merry Christmas from Mr. & Mrs. Miranda.â€
Mabilis na kumalat ang chismis at nag-assume na ang marami na ikinasal na nga ang dalawa.
Kasalukuyang nasa Dubai sina Chito at Neri dahil nagkaroon ng post-Christmas concert doon ang Parokya ni Edgar kasama ang Eraserheads.
Sinagot naman ni Chito ang mga katanungan sa civil status nila ni Neri. Hindi pa sila ikinakasal pero open naman daw silang dalawa sa idea na magpakasal in the near future.
Lalo nga raw naging matatag ang samahan nila pagkatapos mag-leak ang kanilang sex videos sa Internet dahil sa ninakaw na hard drive galing sa laptop ni Miranda. Hindi nagbago ang kanilang relasyon at nangako silang walang iwanan.
Naging news maker of 2013 sina Chito at Neri dahil sa mga sex video na iyon.
Star Cinema films namuro sa listahan ng malalakas na pelikula ng 2013
Habang hindi pa tapos ang Metro Manila Film Festival 2013 at unofficial pa ang mga naging gross nila sa box-office ay heto naman ang listahan ng Top 5 Filipino Films of 2013 na nagmula sa Box-Office Mojo.
Nanguna ang It Takes a Man and a Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Kaya hands down na sila ang tatanghalin na Box-Office King and Queen of 2013.
Pumapangalawa ang Four Sisters and a Wedding nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Toni Gonzaga.
Pangatlo ang She’s the One nina Bea Alonzo, Dingdong Dantes, at Enrique Gil.
Pang-apat ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? nina Kim Chiu at Xian Lim.
At pang-lima ang Bromance: My Brother’s Romance na pinagbidahan ni Zanjoe Marudo.
Puro produced ng Star Cinema ng ABS-CBN 2 ang Top 5 movies ng 2013.
Sleeper hits naman ang mga pelikulang A Moment In Time, It Must Be... Love, Momzillas, On the Job, at Call Center Girl.
Ang mga pelikulang inasahan na kumita pero naging disappointment sa box office ay ang mga pelikulang Kung Fu Divas, My Lady Boss, When The Love Is Gone, Status: It’s Complicated, Bekikang: Ang Nanay Kong Beki, The Bride and the Lover, at Seduction.
Sa mga foreign movie, nag-top sa Pilipinas ang Iron Man 3 ni Robert Downey, Jr.
Nasundan ito ng Man of Steel, Thor: The Dark World, Fast & Furious 6, The Hunger Games: Catching Fire, Despicable Me, World War Z, G.I. Joe Retaliation, The Wolverine, at Pacific Rim.
Miley Cyrus galit na ipinatanggal ang bagong music video pagkatapos mag-leak
Hindi nagustuhan ng isa sa controversial international stars of 2013 na si Miley Cyrus ang pagkaka-leak ng kanyang bagong music video na Adore You na suot lang niya ay underwear at kung anu-anong provocative movements ang kanyang ginagawa.
May specific date sa pag-release ng naturang video pero bigla na lang ito nag-leak a day before the exact release date. Dahil sa nangyari ay pinatanggal ni Miley ang video.
“We all know Smilers would break another record if it wasn’t for the (expletive) face who leaked my video. Alllllll good! Keep smiling,†tweet pa ni Miley sa kanyang mga follower.
Isa na namang pag-uusapan ang kanyang Adore You music video dahil ipinakita ng 21-year-old American pop singer ang kanyang pagiging daring tulad na lang sa Wrecking Ball music video.
Nakatakdang mag-perform si Miley sa Dick Clark’s New Year Rockin’ Eve on Dec. 31 sa Times Square ng New York City.