John Lloyd at Toni, magkakaroon ng first ever sitcom

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng apat na taon, magsasama muli ang napakahusay na blockbuster star na si John Lloyd Cruz at ang paboritong comedienne at multimedia sweetheart na si Toni Gonzaga sa pinakabago at pinaka-inaabangang sitcom ng Kapamilya Network na Home Sweetie Home.

Nang inalok kina John Lloyd at Toni ang posibilidad ng paggawa ng sitcom, agad na na-excite ang da­lawa dahil ibang klaseng programa ang Home Sweetie Home na ibang-iba ito kumpara sa dati nilang mga proyekto.

Noong 2010 pa ang huling pagsasama nila sa trabaho, noong ipinalabas ang pelikulang My Amnesia Girl. “Sabi ko nga, akala ko hindi ko na siya makakatambal ulit. Akala ko first and last na namin ‘yung Amnesia Girl. First time naming mag-TV so sana everyone will get to be a part of it. Sana they will enjoy,” sabi ni Toni sa kanyang interbyu sa ABS-CBN News.

Sa Home Sweetie Home, sila’y gaganap bilang mag-asawang parating nakakasama ang kanilang extended family, at ipapakita rito ang mga iba’t ibang klaseng nakakatawang isyu sa ganyang klaseng set-up.

Show comments