Maricel at Agot parehong best actress, pero hindi sumipot!
Ipinalabas sa TV5 noong Biyernes ang 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night pero hindi gaanong napabalita ang delayed telecast. In fairness sa commitee, maagang natapos sa Meralco Theater ang pamamahagi ng parangal kaya naabutan pa ito sa TV ng mga dumalo sa awards night.
Para sa mga hindi nakapunta sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City at hindi nakapanood sa TV, ibabahagi na lang namin ang mga wagi sa New Wave Category:
New Wave Student Short Film Special Jury Prize: #NoFilter, Mapua Institute of Technology
New Wave Short Film Best Picture: Ang Paglisan
Best New Wave Film: Dukit by Armando Lao
Animation Jury Prize: Ang Lalong ni Kulakog
Animation Best Picture: Kaleh and Mbaki
Best New Wave Film Director: Armando Lao, Dukit
New Wave Best Actress: Agot Isidro
New Wave Best Actor: Bor Ocampo, Willy Layug, Bambalito Lacap for Dukit
New Wave Special Jury Prize: Mga Anino ng Kahapon
New Wave Best Picture: Dukit
Gender Sensitive Award (New Wave): Island Dreams
Gender Sensitive Award – New Wave Student Category: Hintayin mo sa Seq. 24
Malalaman natin kung seryoso ang organizers ng MMFF sa kanilang policy na pagmumultahin ang mga artista na inisnab ang awards night. Parehong hindi umapir sa gabi ng parangal ang mga best actress winner na sina Maricel Soriano at Agot Isidro. Hindi rin dumalo ang best supporting actor winner na si Pen Medina.
I’m sure, ikinagulat ni Aiza Seguerra ang best supporting actress trophy na ipinagkaloob sa kanya. Tuwang-tuwa si Aiza sa award na napanalunan, pati ang kanyang girlfriend na si Liza Dino. Parang binatang mahiyain si Aiza nang mag-I love you ito kay Liza sa harap ng mga kamera.
Very gentleman si Bimby Yap, Jr. dahil inalalayan niya si Ryzza Mae Dizon nang umakyat ito sa stage para tanggapin ang best child performer trophy. In fairness sa mga bagets, malakas talaga ang chemistry nina Bimby at Ryzza Mae.
- Latest