Robin workaholic ngayong Kapaskuhan
Isa palang workaholic si Robin Padilla. At hindi ito dahil lamang sa mga kababayang Muslim na dumudulog sa kanya lalo na ngayong Pasko, kahit wala silang selebrasyon kasi mayroon naman silang Allah, ang kanilang God.
Nagkataong kasing may entry si Robin sa Metro Manila Film Festival at super alala siya sa shooting dati at sa promosyon ngayon ng 10,000 Hours na direksiyon ni Joyce Bernal, ang binibini sa likod ng kamera.
“Happy ako dahil alam kong happy ang fans ko na talagang nasabik sa aking akting sa pelikula. Sa TV kasi once a week lang ako napapanood at bitin sila noon kaya malaking bagay itong festival movie ko. Ako rin naman na-miss ko ang paggawa ng pelikula,†sabi ni Binoe.
Salamat!
Tutal Pasko pa naman, babatiin namin ng merry Christmas ang lahat ng aming kamag-anak sa Bolinao, Pangasinan, Baguio City, Quezon City, Manila City, Canada, Florida, USA, Angeles City, Pampanga, at ang lahat ng mga nakakaalala sa amin na network, ang Kapamilya, Kapuso, Kapatid, UNTV, Atty. Vince Tanada, president and artist director ng Philippine Stayers Foundation, Robin Padilla ng 10,000 Hours, Bea Binene, Mother Ricky Reyes, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Eugene Domingo, Anne Curtis, Kyla, Vice Ganda, Cong. Roman and Shalani RoÂmulo, at iba pa. Maligayang Pasko!
Ganoon din ang aming madam editor na si Salve Asis at mga kasamang Lanie Mate, at Judy Serrano ng pahayagang ito, at iba pa. Pero hindi ko puwedeng kalimutan ang Startalk show host at Philippine Star entertainment editor na si Ricky Lo na umalalay sa amin. Kasama rin sina Ethel Ramos, Alex Marcelino sa office ni Sen. Lito Lapid, mga kasama sa tanggapan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, katotoong Jobert Sucaldito, at lahat ng neighbors and friends sa Golden City Laguna. And, of course, sa aming mabait at maka-masang gobernador na si ER Ejercito.
At on behalf of Philippine Movie Press Club (PMPC) na ang present na pangulo ay si Fernan de Guzman, isang radio host and columnist, salamat sa lahat ng friends sa Kapamilya (ABS-CBN), Kapuso (GMA 7), Kapatid (TV5), UNTV, at gano’n din sa mga inawitan namin ng Christmas carols, na nagandahan sa aming mala-angelic voice! Pagpalain po kayo ni Lord Jesus!
- Latest