Pinalabas na nila ang official standing ng unang araw ng taunang film festival tuwing Pasko pero, take note, ang binabanggit lang nila ay mga title ng unang apat na pelikulang nanguna sa festival. Ni hindi nila sinasabi kung magkano ba ang kinita ng mga pelikula.
Iyong apat na hindi nababanggit, kawawa naman iyon dahil kung anu-ano na namang espekulasyon ang lalabas na lalong magpapahirap sa kanila na maÂkaÂkuha ng provincial playdate pagkatapos ng film festival.
Tiyak na ang bawat kampo ay magpapalabas din ng kani-kanilang statement pero hindi masasabing parehas iyon dahil tiyak ang ilalabas nila ay ang gross income na kasali pati ang mga provincial booking nila. May mga pelikula namang wala pang provincial exhibition hanggang ngayon. May ilan kasi sa kanila na maliliit lamang ang puhunan at natural hindi naÂkaÂgawa ng maraming kopya ng pelikula para ipadala agad sa mga probinsiya. Meron naman talagang walang makuhang sinehan sa mga probinsiya.
Sabi nila, ang top grosser daw ay ang pelikula nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon. Expected naman ’yan dahil taun-taon naman laging first day top grosser si Vic. Ang kailangang hintayin natin ay kung makaka-maintain nga ba siya ng box-office standings niya hanggang sa matapos ang sampung araw na filmfest. Hindi lang miminsang nangyari na matapos na maideklarang top grosser ang kanyang pelikula, dahil ang basehan lang naman niyan ay first two days ng festival, may nag-o-overtake sa kanya sa box office.
Number two naman daw ang pelikulang Girl, Boy Bakla, Tomboy. Isa pang pelikulang comedy at ang biruan nga, talagang No. 2 lang iyon dahil ang noontime show ng bida ay laging number two lang sa Eat Bulaga nina Vic at Ryzza Mae.
Number three daw ang pelikula ni Daniel Padilla. Mukhang nagkatotoo ang sinabi mismo ng tiyuhin niyang si Robin Padilla na siya na ngayon ang flag bearer ng kanilang clan. Tinalo na niya ang pelikula ni Robin sa ngayon eh.
Iyong iba kaya, paano na?
Catholic audience nawalan ng tiwala sa pelikula ng binatang santo
May nagtatanong din sa amin, wala na nga raw ba ang Catholic audience ng pelikulang Pilipino? Noong araw kasi ang mga religious film ay kumikita ng malaki pero lately bagsak ang mga religious film. Diyan sa filmfest, isa sa mga bottom holder ang isang pelikula tungkol sa buhay ng isang binatang santo.
Hindi nawawala ang Catholic audience ng mga pelikula. In fact, isa sa pinakamabili ngayon ang mga religious video. Siguro ang dahilan ay hindi nila gusto ang mga pelikulang ginagawa kaya gaÂno’n. Siguro nga hindi nila matanggap na ang karamihan sa mga kasali sa religious movies na sinasabi ay involved din naman sa paggawa ng mga mahahalay na pelikula in the past. Kaya nga hindi nakuha ang kanilang tiwala.
Ibang filmfest entries nabawasan na agad ng mga sinehan
Akala namin walang “pull out†sa taong ito dahil wala namang pelikula ang pull out queen pero napansin namin may pelikulang nabawasan na agad ng sinehan sa second day ng festival. Pero, at least, hindi naman sa mismong araw ng Pasko ganap na naglaho.