Mga aktor sagana sa mamahaling regalo ng mga rich beki, dinaig pa ang mga aktres!
Halos lahat ng popular actresses, walang natanggap na expensive gift last Christmas. Ang hiling kasi nila sa kanilang equally popular boyfriends, simpleng regalo na lang like flowers and chocolates.
Ang kanilang mga dapat gastahin, idadagdag sa mga ibibigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Pero ibang klase ang mga very rich bading. Ayaw pa ring papigil sa paggasta ng pera para ipakita ang pagmamahal sa kanilang mga papa.
Tingnan ninyo sa mga aktor kung sino ang may suot ng brand new, top of the line, gold wristwatch. Gibsung ito ng benefactor niyang beki!
Ang isang sports car na type ng hunk actor, sa abroad pa pala manggagaling. Kaya wala pa siÂyang bagong kotseng ipaparada this holiday season. Malamang naman na before Valentine, nasa kanya na ang flashy car.
Vic, Bimby, at Ryzza Mae hindi papayag na maagawan ng trono
Nabalita sa TV na ang No. 1 sa takilya noong opening ng 2013 Metro Manila Film Festival last Christmas ay ang My Little Bossings, starring Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Yap, Jr., and Kris Aquino. Inayunan ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) ang report na ito.
Nag-iyakan ang mga bagets na fans ng hindi papasukin sa Pagpag: Siyam na Buhay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil may restriction sa edad ang entry.
Inaasahang tataas pa ang kita sa box office ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel at 10,000 Hours dahil consistent ang pasok ng mga manonood sa nasabing entries.
Maganda rin ang reception sa moviegoers ng Shoot to Kill: Boy Golden nina Laguna Gov. ER Ejercito at KC Concepcion, directed by Chito Roño. Ang float ng Boy Golden noong filmfest parade last Sunday ang malamang na magwagi ng Best Float na may kasamang P250,000 cash prize.
Ang fans ni Robin Padilla ay umaasang magwawagi ng best actor trophy ang kanilang idol for 10,000 Hours. Ang best director trophy ay pag-aagawan nina Bb. Joyce Bernal at Chito Roño.
Kung ang top grosser pa rin ang bibigyan ng best picture award, malamang na sa parangal na ito ang My Little Bossings. Hindi papayag ang fans nina Vic, Ryzza Mae, at Bimby na maagaw pa sa kanila ang No. 1 slot sa kabuuang sampung araw ng filmfest.
Inaasahang ang mga tatanggap ng awards tonight, Dec. 27, ay higit pang lalakas ang hatak sa takilya.
Atty. Persida gagawa na ng bagong public service show
Kahit walang TV show sa kasalukuyan si Atty. Persida Acosta, chief ng Public Attorney’s Office, nagbigay siya ng masayang Christmas party para sa mga kaibigan niya sa press.
Nabanggit ni Atty. Acosta na under negotiation na ang kanyang bagong TV show at malamang sa early next year magsimula ito.
‘‘Public service ang concept nito at sana marami pang mga taong matulungan sa show,’’ sabi ng lawyer-TV host.
Alma Concepcion busy uli sa aktingan
Abala pa sa paglabas sa pelikula ang former beauty queen na si Alma Concepcion. Napapanood siya sa Metro Manila filmfest ngayon as the villain in Kaleidoscope World. Bilang istriktong ina, tutol siya sa affair ng kanyang anak sa istorya na si Yassi Pressman, kay Sef Cadayona, playing a hip hop dancer.
Kasama si Alma nina Robin Padilla, Joem Bascon at Dick Israel sa bagong indie film na Ang Bagong Dugo sa Lumang Ugat. Ang recent movie niyang naipalabas na ay ang Babagwa.
Aktres na misis ng pulitiko sikretong nakabili ng silya sa halagang P300K sa isang painting master
Nadagdagan pa ng P1.2 million ang cash donation for Yolanda victims mula sa recent auction sale ng mga antique furniture at painting ng master at National Artist na si Ang Kiukok.
Isang silya lang ay nabili ng P300,000. Ayaw i-reveal kung sino ang nakabili, na ang sabi ay isang aktres na misis ng isang politician mula sa isang mayamang angkan.
Kung sino ang may-ari ngayon ng Ang KiuKok painting, higit na nilihim ng mga namahala ng bentahan.
- Latest