Merry Christmas to everyone!!!
Merry ang Pasko ni James Yap dahil na-witness niya ang pagsakay sa float ng kanyang anak na si Bimby sa Parade of Stars ng 2013 Metro Manila Film Festival noong Linggo.
Sobrang coincidence na kumakain si James sa restaurant ng isang hotel sa Roxas Boulevard, Manila nang dumaan ang float ng My Little Bossings kaya nakunan niya ng picture ang kanyang anak.
Hindi invited si James sa premiere night ng My Little Bossings noong Sabado at hindi ‘yon big deal sa kanya dahil puwedeng-puwede niyang panoorin nang paulit-ulit sa lahat ng sinehan ang first movie ni Bimby. Puwede pang isama ni James sa panonood ng My Little Bossings ang kanyang Italian girlfriend.
MAAGANG CHRISTMAS BONUS SOLUSYON SA CHRISTMAS RUSH
Nagdusa ako sa trapik noong Lunes dahil sa rami ng mga sasakyan sa kalsada. Naging ugali na kasi ng mga Pinoy ang mag-last minute shopping.
Sa rami ng shoppers, mahaba ang pila sa mga automated teller machine (ATM) at kadalasan ay nauubos ang datung na laman ng mga machine. Para maiwasan ang last minute shopping, bakit hindi agahan ng mga employer ang pagbibigay ng 13th month pay at Christmas bonus?
Gayahin nila ang nakaugalian ko na nagpapadala ng Christmas gifts tuwing first week ng October para makaiwas ako sa Christmas rush. Ayokong-ayoko na nakikipagsiksikan sa mga tao at hindi ko talaga naging hobby ang rumampa sa mga mall. Pati nga ang panonood ng sine, kinatamaran ko na. Hinihintay ko na lang na ipalabas sa TV ang mga Tagalog at Hollywood film. Hindi naman nagbabago ang kuwento ng mga pelikula na napapanood sa sine at ipinalalabas sa TV ’no!
PANALO NI BEA HINDI GAANONG NAPANSIN, MGA PINOY BUSY SA SHOPPING
In demand sa mga TV guesting si 2013 Miss International Bea Rose Santiago pero wrong timing ang kanyang mga guesting dahil mas priority ngayon ng mga tao ang mag-shopping kesa manood ng TV.
Ganyang-ganyan ang nangyari kay Janine Tugonon noong 2012. December 2012 nang idaos ang Miss Universe kaya sandali lamang pinag-usapan ang tagumpay ni Janine bilang first runner-up dahil aligaga sa Christmas shopping ang mga Pinoy.
Bago magkalimutan, thank you sa Startalk televiewers dahil mataas ang rating ng aming show noong nakaraang SaÂbado! Inabangan at tinutukan ng televiewers ang exclusive interview namin ni Papa Ricky Lo kay Willie Revillame. Sa lahat ng mga nanood, maraming salamat at maligayang Pasko!
MMFF entries kailangan ng suporta
Ngayon ang opisyal na pagsisimula ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF). Iniimbitahan ko ang lahat na panoorin ang walong pelikula na kasali sa MMFF.
Suportahan at tangkilikin ninyo ang MMFF movies. Invited ako noon sa presscons ng My Little Bossings, Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, at Shoot to Kill: Boy Golden kaya ito ang mga pelikula na dapat na unang panoorin. Nagpapakatotoo lang ako ’no?!
Sen. Jinggoy nakaka-relate kay Mayor Junjun
Para kay Sen. Jinggoy Estrada, non-issue ang kontrobersiya na kinasasangkutan ni Makati City Mayor Junjun Binay. Siguradung-sigurado si Papa Jinggoy sa kanyang opinyon dahil naranasan niya ang maging alkalde ng San Juan kaya nakaka-relate siya sa karanasan ni Mayor Junjun.
Teka, naloka ako sa brilliant idea ng mga pulis na ipagbawal sa mga lalaki na pumapasok sa mall ang pagsusuot ng sumbrero dahil nagagamit ito para itago o hindi makunan ng CCTV ang kanilang mga mukha, pagkatapos mabiktima ng Martilyo Gang ang isang jewelry store sa SM North EDSA. Maloloka na ako nang tuluyan kapag ipinagbawal na rin nila ang pagbebenta ng mga sumbrero sa malls.
Matanong nga si Papa Jinggoy tungkol sa batas na gustong ipatupad ng mga pulis sa mga nagsusuot ng sumbrero sa loob ng mga mall.