Julian Estrada itinanggi si Julia

MANILA, Philippines - Itinanggi ni Julian Estrada na nagkaka­mabutihan na sila ni Julia Barretto. Present si Julian sa dinner get-together na handog ng ama na si Sen. Jinggoy Estrada sa press. Isa kasi ang senador na hindi nakakalimot sa kaibigan sa press tuwing Pasko kahit na nga may pinagdaraanan siya.

Kasama rin ni Julian ang Kuya Jolo niya na gaya niya ay pumasok na rin sa showbiz. Mas gusto nga lang mag-host at kumanta ni Jolo hindi tulad ng nakababatang kapatid na hilig ang pag-aartista.

Tanging ang dalawang anak na lalaki ang nagmana sa pagiging artista ng mga Estrada. Pero ’yung panganay niyang babae na si Janella ay nahimok pasukin ang pulitika at kasalukuyan siyang konsehal sa isang distrito sa San Juan City.

Anyway, ngayong Pasko, isa si Sen. Jinggoy sa showbiz personalities na hindi nakalimot kahit na nga marami ang idinadahilan ang bagyong Yolanda.

Female celeb natawa na lang sa natanggap na natunaw na ‘cake’

Nakakatawa ang kuwento ng isang kilalang celebrity tungkol Christmas gift na ipinadala sa kanya ng mga mayayamang kaibigan. Hindi naman sikat na artista ang female celeb pero may powers siya’t koneksiyon kaya marami ang nagreregalo sa kanya.

Isang TV executive raw ang nagpadala minsan sa kanya ng regalo. Hindi naman materyoso si female celeb. Okay na sa kanya ’yung maalala siya tuwing Pasko. Alam din kasi niyang cake ang ireregalo sa kanya ng executive.

Sa bahay ni female celeb ipinadala ang regalo. Tinanggap ’yon ng kasambahay niya. Sinabi ng kasambahay na dumating ang regalo ng boss. Dedma lang ang celeb komo alam niyang cake na ’yon.

Sabi raw ng katulong, tumutulo ’yung cake. Nagtaray si celeb. Bakit daw tutulo ’yung cake? Nang buksan niya ang kahon, ice cream cake pala ang bigay sa kanya. Naloka at tawa nang tawa ang celeb. Hindi kasi siya sinabihan na ice cream cake ang ipadadala sa kanya.

GMA girl power sa pagpasok ng taon

Girl power ang pambato ng GMA Network, Inc. sa pagpasok ng January. Sabay magpi-premiere sa buwang ito ang drama series nina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.

Pampabuwenas ng network ang Carmela ni Marian. Binago ang hitsura ni Alden Richards na kapareha niya.

Dual personality naman ang role ni Jennylyn sa Rhodora X. Balik-tambalan sila rito ni Mark Herras. Nasa cast din sina Mark Anthony Fernandez at Yasmien Kurdi.

Pero hindi pahuhuli si Louise delos Reyes kina Marian at Jennlyn, huh! Topless kung topless kasi siya sa solo series niyang Kambal Sirena na sirena ang isa sa roles niya!

Show comments