Mga artistang na-late sa parada pinagmulta!
Since hinawakan ni MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) chairman at overall chairman ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Francis Tolentino ang annual event pagdating ng Kapaskuhan, nababago lamang ang date at place of assembly ng Parade of Stars pero hindi ang time ng pagsisimula nito at 2:00 p.m.
Last Sunday, sa Block 21 sa Mall of Asia ground, at exactly 2:00 p.m., after i-welcome ni Chairman Francis ang napakaraming taong nanood ng parade at i-declare niyang simula na ng MMFF, nag-start ang parada wala mang sakay na artista ang ilang float ng bawat pelikulang kalahok.
Ang Kaleidoscope World sakay ang lead stars na sina Sef Cadayona at Yassi Pressman. Ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ay sinakÂyan nina Eugene Domingo at Sam Milby. Wala si Rocco Nacino sa Pedro Calungsod: Batang Martir, sakay lamang sina Christian Vasquez at Jestoni Alarcon. Wala rin ang lead star na si Vice Ganda sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy dahil ang naroon lamang ay sina Ruffa Gutierrez, JC de Vera, Angelu de Leon, EJ Falcon, at Direk Wenn Deramas. Wala rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Pagpag: Siyam na Buhay. Ang naroon lamang ay si Direk Frasco Mortiz at Janus del Prado. Sa Shoot to Kill: Boy Golden, naroon ang lead stars na sina Jeorge Estregan, Jr. at KC Concepcion, Tonton Gutierrez, John Estrada, Jhong Hilario, Buboy Villar. Kumpleto naman ang lead stars ng My Little Bossings na sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino Yap, Jr. at si Kris Aquino. Kumpleto rin ang cast ng 10,000 Hours na sina Robin Padilla, Mylene Dizon, Alden Richards, Bela Padilla, Winwyn Marquez, Carla Humphries, Markki Stroem, at Cholo Barretto.
Ewan naman kung saan pinagkukuha ng in charge sa pagbibigay ng names ng mga artistang nasa float sa mga host na sina Candy Pangilinan at Jon Santos. Mukhang hindi siya nag-research kung sinu-sino ang cast ng bawat pelikula. Sabihin ba namang sa 10,000 Hours si Alden Richards ay si Jake Cuenca at si Winwyn ay si Divine Lee.
Humabol na lamang ang mga artistang na-late sa parade. Ang alam naming may fine (multa) ang producer kapag hindi dumating on time ang main cast ng kanilang mga artista para sumama sa parada. Siyempre pa ay nanghinayang ang maraming fans na nagtiis mabilad sa araw at naulanan pa sa Mall of Asia pero hindi nila nakita ang paborito nilang artista. Pinakamalakas na tinilian ng fans doon ang float ng My Little Bossings.
Genesis nagbayad ng 600 katao
Final week na ngayon ng Genesis nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, at Lorna Tolentino at ng Akin Pa Rin ang Bukas nina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Cesar Montano. Noong last taping day ng Genesis, ayon kina Direk Joyce Bernal at Mark Reyes, may 600 extras silang ginamit sa final scene nila shot in Subic, Zambales. Maghapon daw nilang kinunan ang eksena ng mga taong naligtas sa pagkagunaw ng mundo tungo sa bagong simula.
Makakasama ba sa bagong mundo sina President Sandra (Lorna) at ang kanyang pamilya? Tuluyan na bang nabuo ang pamilya ni Isaak (Dingdong) kasama ang kanyang mag-ina, sina Raquel (Rhian) at Osih (Sasha Baldoza)?
- Latest