Bintang ng mga karibal ni Vic Sotto sa 39th MeÂtro Manila Film Festival (MMFF), ginagamit lang ni Bossing si Pauleen Luna upang pag-usapan siya sa apat na sulok ng showbiz.
Say pa ng mga detractor ng komedyante, alam ng beteranong artista ang pulso ng masa. Kaya madali niyang sinakyan ang romantic angle nang diumano’y gustong magpakasal sa kanyang higit na batang girlfriend.
Kilig to the bones naman ng mga tao at sumakay din bigla. Matagal na nga namang binata si Bossing kaya’t it’s high time na magpatali na siya sa isang babaeng tunay niyang minamahal!
Sa tagal ni Sotto sa eksena, wala pang pangyayaring magsasabing isa siyang user, lalo na in matters of the heart. Mahirap gumimik kung mga tunay na damdamin ang nakataya. Hindi gagawin ito ni Vic Sotto, maging top grosser lang ang My Little Bossings.
As it is, madali nang mag-No. 1 ang My Little Bossings na ang main attraction ay mga bagets na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap. The tandem is so strong to be able to attract the biggest crowd come Dec. 25.
Hindi na kailangang isakripisyo pa ni Vic Sotto ang kanyang tunay na buhay.
KC pinuri sa pag-basted kay Paulo
Marami ang pumupuri kay KC Concepcion sa pagkaka-basted kay Paulo Avelino. Napatunayan ng aktres na matalino siya at puwedeng mag-decide for herself.
Inaabangan na ng mga tagahanga ang Shoot to Kill: Boy Golden na leading lady siya ni Gov. ER Ejercito in the MMFF official entry, directed by Chito Roño.
Kung sa best supporting actress category siya papasok, tiyak na ang tropeo for KC. Sa best actress derby naman ay magiging mahigpit niyang rival si Eugene Domingo ng Kimmy Dora prequel.
Ang tanong, ano na ang mangyayari kay Paulo, after KC turned him down? Eh baka maghanap siya ng bagong chick na puwede niyang anakan!
MMDA nakatipid sa imprenta ng MMFF passes
Maraming salamat sa natanggap naming mga season pass for the 2013 MMFF. Halos nakalahati lang ang laki ng passes na ipinamigay last year at tila sa mumurahing papel naimprenta at hindi sa karton na tulad noon.
Kung anuman ang natipid ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) sa printing cost, tiyak na pupunta sa pagtulong nila sa mga Yolanda typhoon victim.
‘Unfriend’ ni Direk Brillante nakapasok sa Berlin filmfest
Dalawang Pinoy indie films — Unfriend ni Brillante Mendoza at Quick Change ni Eduardo Roy ang ipapalabas sa Panorama section ng 2014 Berlin International Film Festival on Feb. 6 to Feb. 16.
Napili ang dalawang lahok mula sa ating bansa with outstanding films from Taiwan at Hong Kong.
Lumahok sa Cinemalaya 2013 ang Quick Change, samantalang ang Unfriend ay ginawa ni Mendoza for Solar Films.
Pagpunta ni Willie sa Tacloban inaabangan kung saan makikitang istasyon
Ang private jet na ginamit ni Justin Bieber papuntang Tacloban City, Leyte ay inarkila kay Willie Revillame!
Sakay ng kanyang private plane si Revillame last Sunday nang pumunta sa Kabisayaan upang mamahagi ng tulong doon. May mapanood kaya tayong TV coverage ni Willie? Duda kami dahil hindi siya connected kahit saang network. Kung meron man, isa na itong clue kung saang istasyon siya magiging block timer next year.