Ang laki o ambisyosong project ang gaganaping 7107 International Music Festival (IMF) sa Pebrero sa Global Gateway Logistics City, Clark, Pampanga sa pagpasok ng taon. Hindi lang ilang banda na galing sa ibang bansa at kasama pa ang maraming bandang Pinoy kundi dalawang araw din ito, Feb. 22-24, na parang mala-Woodstock ang dating. Alas-dose ng katanghaliang tapat ang pagbubukas ng gate sa concert venue.
Kaya naman may mga kumalat tungkol sa funding. Totoo bang isa sa mabibigat na producer nito ay ang isa sa mga anak ni Janet Lim-Napoles?
Isa sa mga nag-react ay si KC Montero.
“@KCMontero: Jealous people would say anything. No, #WeAre7107 is not funded by the Napoleses. They’re not the only people who have money, you know,†sabi ng disc jockey-TV host sa Twitter.
Kung bakit may say si KC, malamang na may mga kaibigan siyang involved sa napakalaking musicfest na ito. Kini-claim na nga ng production na first of its kind ito sa Pilipinas. Totoo naman at ang 7107 IMF lang ang makapagdadala ng Red Hot Chili Peppers dito sa atin na sa pagkakaalam ko ay sobrang tagal nang kinukuha ng ilang mga produ pero laging hindi natutuloy hanggang wala na nga silang bagong album. Mabuti na lang at marami silang naging hit na kanta na sosobra pa sa isang buong performance set.
Kung magiging tagumpay itong unang 7107 IMF ay tiyak na mas marami pang madadalang international bands dito. Napo-promote rin ng maganda ang Pilipinas dahil alam na rin siguro ng international market na ang numero ay tumutukoy sa mga isla ng ating arkipelago.
Bukod sa tugtugan ay bibida rin sa musicfest ang Pinoy art. May mga magtitinda rin ng mga pagkain, pati alak, at may partner silang local hotels na maghahatid sa mga bisita papunta sa venue. Sa mahal ba naman ng festival passes — P8,500 para sa two-day general admission at P20,000 para naman sa mga VIP na mabibili lang online sa www.7107imf.com — ay dapat lang masulit ang layo at makakakuha ng kakaibang karanasan ang makakapanood sa kauna-unahang international music fest.
Ang isa pang maganda sa outdoor event, may porsiyento pa rin sila na ibibigay sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Ngayon ay hindi na lang pala ang taunang Hot Air Balloon ang dadayuhin sa Pampanga. May 7107 International Music Festival na!
****
May ipare-rebyu? E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com