Mamaya na ang premiere night ng My Little Bossings sa SM Megamall Cinema 10 at 7:00 p.m. Naniniwala pa rin kami na ang comedy movie na tampok sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap, Jr. ang mangunguna sa opening day ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Dec. 25. May edge na kasi ang movie na tampok din sina bossing Vic Sotto at Ms. Kris Aquino dahil nabigÂyan sila ng General Patronage (GP) classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na puwedeng manood kahit mga maliliit pang bata.
Kung sinabi ni Kris noong presscon na hindi puwedeng manood ang ama ni Bimby na si James Yap sa premiere night, sigurado namang manonood kasama ni Vic ang girlfriend na si Pauleen Luna na mami-miss niya dahil sa Japan magpapalipas ng Christmas ang girlfriend with her family.
Hindi kasi puwedeng iwanan ni Vic ang showing ng movie nila na idinirek ni Marlon Rivera, sa script ni Bibeth Orteza.
Daniel at Kathryn nawalan ng boses sa sobrang takot
Masusubukan din ang lakas ng fans ng young love team nina Kathryn Bernardo at Daniel PaÂdilla sa horror-suspense movie nilang Pagpag: Siyam na Buhay ng Star Cinema at Regal EntertainÂment, Inc. Pero hindi katatakutang eksena lamang ang mapapanood, mayroon ding kiÂlig at nakatatawang eksena para mabawasan naman ang takot ninyo sa panonood.
Inamin nina Kathryn at DaÂniel na kahit nai-excite sila sa paggawa ng mga eksena, napagod sila at nawalan ng boses sa kasisigaw sa mga nakatatakot na eksena. May mga eksena raw kaÂsing talagang natatakot sila at hindi nila alam kung totoong nangyayari o guni-guni lamang nila. Pero mahilig sa katatakutan ang moviegoers na napatunayan ng dating Shake, Rattle & Roll na umabot hanggang 14 years na entry ng Regal sa MMFF.
Eh ang Pagpag: Siyam na Buhay ay story ng dalawang teeners na hindi sinunod ang pamahiin na kapag nagpunta sa burol ay hindi dapat uuwi agad ng bahay dahil madadala raw nila ang bad spirit. Kailangang dumaan muna sila sa ibang lugar like kumain muna sa mga restaurant o magpalipas ng oras sa term ngang pagpag bago umuwi ng bahay.
50th death anniversary ni Boy Golden gugunitain ni Gov. ER
Ang mga mahihilig naman sa action movies, tiyak na magugustuhan nila ang 10,000 Hours dahil sabi nga ni Direk Joyce Bernal, makapigil-hiÂninga at hindi ka tatayo sa upuan mo sa mga action scene nila, portrayed by Robin Padilla.
Nandiyan din ang Shoot to Kill: Boy Golden na story ni Arturo “Boy Gol-den†Porcuna na napatay noong Dec. 23, 1963 at ginampanan ni Gov. ER Ejercito (Jeorge Estregan, Jr.). Sa Monday, Dec. 23 ang premiere night nila sa SM Mall of Asia at malamang magkaroon ng konting pag-alaala sa 50th death anniversary niya.
Ang Boy Golden ay idinirek ni Chito Roño, produced by Viva Films and SceÂnema Concept.