^

Pang Movies

Aktor malakas ang kapit sa boss, binigyan ng sariling tirahan sa taping!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sosyal ang young actor na ito o love lamang siya talaga ng mga boss niya? Malapit lamang kasi ang location ng ginagawa niyang show pero nabigyan siya ng isang place na puwede siyang mag-relax kung hindi siya nagti-take na halos katabi lamang ng location kaya on call siya kapag siya na ang sasalang sa kamera.

Paano kung malaman ito ng ibang artista, ibibigay din kaya sa kanila kapag sila naman ang nag-request?

Marian nagbigay ng oras sa mga empleyado ng PSN/PM

Tinupad ni Marian Rivera ang pangako niya sa editor nating si Ms. Salve Asis na babatiin niya ang employees and writers ng Pilipino Star NGAYON (PSN) at Pang-Masa (PM) sa yearly Christmas celebration nila na ang theme ay Tuloy ang Pasko sa Piling ni Kristo. Dumaan talaga si Marian sa celebration para bumati at magpasalamat sa support na ibinibigay sa kanya, lalo na kay Sir Miguel Belmonte na lagi raw malalaki ang pictures na ginagamit sa kanya sa kanilang mga dyaryo. 

Hindi nga lamang nagtagal si Marian pero nakapagpa-photo op naman sa kanya ang mga nasorpresang employee. 

Masaya rin kaming umuwi sa simple but enjoyable Christmas celebration at sa food at may bibingka at puto bumbong pa with salabat. Talagang Christmas. Salamat po Sir Miguel!

Robin hindi sumalto kay Bela

Tama si Robin Padilla sa pagpuri niya kay Bela Padilla, hindi dahil niece niya ito kung hindi dahil mahusay talaga ang acting nito as the journalist Maya Salazar sa 10,000 Hours na filmfest entry sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) starting Dec. 25. Gustung-gusto namin ang confrontation at breakup scene ni Bela with Sen. Gabriel Molina Alcaraz (Robin) matapos siyang magpakilala rito kung sino talaga siya kaya niya tinulungang makatakas at makapagtago ang senador. 

Sayang nga lamang at hindi puwedeng sabihin kung sino ba talaga si Maya Salazar. Kapag napanood ninyo ang pelikula, mahulaan kaya ninyo kung sino ang journalist na kinakatawan ni Bela?

Directed by Bb. Joyce Bernal, ang 10,000 Hours ay nabigyan ng Grade A rating ng Cinema Evalua­tion Board (CEB) at R-13 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

 

BELA PADILLA

CINEMA EVALUA

GABRIEL MOLINA ALCARAZ

GRADE A

JOYCE BERNAL

MARIAN RIVERA

MAYA SALAZAR

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with