Sumusumpa si KC Concepcion na walang bahid ng katotohanan ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanila ni Phil Younghusband. Naniniwala ako sa denial ni KC dahil wala sa image niya ang nagsisinungaling.
Nagmamalisya tuloy ako na baka gaÂling sa kampo ni Younghusband ang tsismis para mapag-usapan ito.
Hindi ko nakakalimutan na ginamit ni Younghusband ang social media para iparating kay Angel Locsin na gusto niya ang aktres. Nagtagumpay ang drama ni Younghusband dahil hindi lang niya nakilala nang personal si Angel, naging mag-dyowa pa sila pero humantong din sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Matalinong babae si KC. Hindi ang tipo niya ang magpapagamit sa ibang tao. Naging maingat na siya dahil sa mga naranasan niya noon.
Baka nga nag-e-enjoy si Phil Younghusband sa pagkaka-link niya kay KC ‘no! Mahihirapan si Phil sa kanyang balak dahil may Paulo Avelino na matiyaga na nanliligaw kay KC.
Nararamdaman naman siguro ni Phil na bumaba ang kanyang star value nang maghiwalay sila ni Angel. Ex-boyfriend na lang ngayon ang pagkakakilala sa kanya ng madlang-baÂyan, kahit tanungin n’yo pa ang ex-manager niya na si Joyce Ramirez.
Gretchen tumestigo na laban kay Claudine, ibinunyag ang bantang pagpatay ng ama
Mag-expect tayo na magsasalita si Claudine Barretto laban kay Gretchen dahil ito ang nag-testify kahapon sa Branch 192 ng Marikina Regional Trial Court.
Si Gretchen ang witness sa Permanent Protection Order na isinampa ni Claudine laban sa estranged husband na si Raymart Santiago.
Si Raymart ang kinampihan ni Gretchen kaya sila ang magkasama kahapon sa korte. Kung kilala natin si Claudine, hindi niya ikinatuwa ang kampihan ng kanyang asawa at kapatid.
May pasabog si Gretchen sa hearing kahapon, pinagbantaan daw siya ng kanyang sariling ama na “ papatayin†kapag nag-witness siya laban kay Claudine.
Mabigat ang akusasyon ni Gretchen laban sa kanyang tatay na si Mike Barretto. Imposibleng palampasin ng kanyang ama at ina ang pasabog niya kahapon sa korte ng Marikina City.
Pasko na sa susunod na Miyerkules pero maÂlabung-malabo na magkapatawaran sa lalong maÂdaling panahon ang mga nag-aaway at nagkakamÂpihan na mga miyembro ng Barretto family.
Nagbitaw ng salita si Gretchen na paulit-ulit siyang daraÂting kapag ipinatawag ng korte para maging maayos na raw ang buhay ni Claudine.
Kamping-kampi kay Claudine ang mga magulang nila ni Gretchen. Nakakawindang ang revelation ni Gretchen na siyam na kaso ang kinakaharap ngayon ni Claudine. Ginagawa raw niya ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.
Flawless namigay ng maletang pink
Aliw na aliw ang entertainment press sa petite pink maleta na naglalaman ng Flawless products na natanggap nila kahapon.
Idea ni Rubby Sy ang mga cute na maleta. Si Mama Rubby ang big boss ng Flawless at walang tatalo sa kanya kung creativity ang pag-uusapan. Naging successful at big company ang ang Flawless dahil sa mga concept at idea ni Mama Rubby.