KC ibang-iba ang ginawa kay ER

MANILA, Philippines - Sa mga nagawang pelikula ni KC Concepcion, sa pelikulang Boy Golden: Shoot to Kill daw siya mapapansin. Binigyan siya ng magandang role ni Gov. ER Ejercito. At wala raw angal sa kissing scene ang dalaga.

May gustong patunayan si KC — na all around siya sa pag-arte at walang kiyeme. Walang komento si Megastar Sharon Cuneta. Ayaw niyang makialam dahil baka masira pa ang mood ng anak. Iba na kasi ang style ng kissing scene ngayon. Hindi tulad noong araw na kailangan lang tumalikod sa camera ang lalaki para kunwari ay nag-lips to lips sila ng babae.

Ngayon kailangan makita talaga at naka-focus pa.

Ejay ginawang action star ng barakong direktor

Ngayong magpa-Pasko, may palarong basketball sa Pola, Oriental Mindoro si Ejay Falcon para sa mga kababayan niya roon. Noong makasama namin si Ejay sa isang out-of-town show sa Nueva Ecija una niyang nabanggit na gusto niyang magpaliga para sa mga kababayan sa probinsiya. Tinupad na pala niya.

Kahit bongga na ang kanyang buhay sa Maynila, hindi siya nakakalimot na tumulong sa kanilang lugar. Kaya naman No. 1 action star si Ejay sa kanyang bayan sa Pola. Hindi rin nakakapagtaka na gumaling siya sa pag-arte at ngayon ay bini-build up na bilang action star ni Direk Toto Natividad. Masuwerte si Ejay dahil barakong direktor ang tumutulong sa kanya, na lalaki talaga. Tingnan ninyo ang kombinasyon nila sa Saka Saka.

Kahit matulungin sa mga kababayan, walang planong mag-pulitiko si Ejay.

Show comments