Hindi lang si Direk Wenn Deramas ang nagbubunyi na natapos na ang pelikulang Boy, Girl, Bakla, Tomboy, lalo na si Vice Ganda kasi nailabas niya ang kanyang stress sa sobrang kakulitan sa programang It’s Showtime lalo na nung Saturday episode.
Kahit nag-overtime na ang show dahil sa hindi maawat na kakengkoyan ni Vice ay nag-enjoy naman hindi lang audience sa studio ang super hyper na pakuwela ng komedyante kundi pati na rin ang mga TV viewer.
Apat ba namang characters ang ginampanan ni Vice sa iisang film entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival kaya ganun na lang ang tuwa ng komedyante nang matapos niya. Kahit nga si Eugene Domingo na gumaganap na kambal sa Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ay aminadong hindi rin biro ang role niyang kambal, mas lalo na raw grabe ang pinagdaanang hirap ni Vice Ganda kaya bilib siya sa energy nito para gawin ang quadruplet role.
Pero hindi pa tapos ang pressure na nararamdaman ni Vice dahil muling huhusgahan ang magic niya sa masa hanggang sa matapos ang festival.
Teejay naudlot sa Florante at Laura
Hindi na kasali si Teejay Marquez sa gagawing stage play na Florante at Laura pero hindi naman nalungkot ang binata dahil meron ding movie na gagawin ang same production na pinamagatan nilang Tweet ni Florante at Laura.
Kasama pa rin ni Teejay si Venus Raj na original na kasali rin sa stage play sana.
Katatapos lang ng Pyra: Ang Babaeng Apoy ni Teejay pero hindi pa rin siya nawawalan ng raket dahil ngayon at bago mag-Pasko ay meron siyang dalawang endorsements na pinirmahan. Ang isa ay print ad na bongga dahil international brand ito.
Meron na rin siyang nakalinyang movie at soap na gagawin next year. Ngayon ay tinatapos na rin niya ang indie film na Chasing Boulevard.
Libreng film showing na Bible series kasama sa Operation Blessing
Maganda ang advocacy ng Operation Blessing Foundation Philippines, ang humanitarian arm ng CBN Asia na naglilingkod sa 116,000 survivors ng super typhoon Yolanda. Hindi biro ang patuloy na pagbibigay nila ng relief goods, rehabilitation effort, medical mission, trauma counseling, at listening ministry kasama ang iba’t ibang organisasyon, mapa-local o international group, para maabot ang mga taong hinagupit ng bagyong Yolanda.
Sa Panay Island ay nagsimula na ang Operation Blessing sa walong barangays, tulad ng Caluya Island, sa pagbibigay ng saku-sakong relief packs, 100 boxes ng mineral water at gamot, at nagpapalabas din ang grupo ng film showing ng animated Bible series na Superbook na part ng Holiday of Hope and Cheer (HOHC) Program activities.
Kasama sa kanilang healthcare services ang free medical check-ups at libreng eyeglasses sa mga nangangailangan. Katulong din ng grupo ang team mula sa GMA Network at ibang volunteers na galing sa military personnel at Canadian army.