Desisyon naman daw nilang dalawa iyon, at ang sabi pa nga ni Rhian Ramos, iyon ay isang “happy splitâ€. Naghiwalay sila ng kanyang naging boyfriend na si KC Montero nang magkaibigan at masaya. Kung ano man ang dahilan at nag-desisyon silang dalawa na tapusin na ang kanilang relasyon, huwag na nating pakialaman, basta nagkakasundo naman sila.
Marami namang nangyayaring ganyan. Nagkakaroon ng physical attraction. Iyan ang madalas na nangyayari sa showbusiness. Minsan nga may nagtatanong, bakit ba iyang mga artista ganyan ang ugali. Hindi ninyo sila masisisi, sila ay nasa mundo na lahat halos magaganda at guwapo. Nagkakaroon din naman sila ng physical attraction, pero hindi lang hitsura ang material sa isang love affair eh. Marami pang ibang bagay na kailangang isipin at pagkasunduan, pero natural iyong ang unang nakikita ay iyong kagandahan.
Kaya hindi nangyayari ang ganyan sa iba, sagutin nga ninyo kami, saang propesyon ba ang makikita mo na lahat halos guwapo at magaganda?
Hindi na rin naman bago ang split kina Rhian at KC. Si Rhian, ang tagal na naging syota ni Mo Twister. Iyon nga lang, ang hindi magaganda sa pagtatapos ng kanilang affair, siniraan pa siya ng dati niyang boyfriend. Nagkalat pa ng private videos nila, at nauwi pa ang lahat sa demandahan. Pero may nagsasabi nga, mabuti na rin ang nangyari dahil at least dahil doon umalis na si Mohan Gumatay sa Pilipinas at naglagi na sa US. Kung uuwi siya rito eh ‘di katakut-takot na demanda ang aabutin niya, bukod pa nga sa may warrant na laban sa kanya dahil sa hindi niya pagsipot sa korte dahil sa mga kaso niya.
Si KC naman marami na ring naka-relasyon iyan sa showbusiness. Pinaka-matagal iyong pagsasama nilang dalawa ni Geneva Cruz bilang mag-asawa, na nauwi rin naman sa paghihiwalay.
Ang punto nga lang diyan, siguro kay KC ok lang dahil lalaki naman siya. Pero para kay Rhian, sa tuwing papasok siya sa ganyang relasyon at makikipag-split pagkatapos lumiliit din ang chances niyang makapag-asawa pa nang matino.
Bagong Miss International tinalikuran ang magandang buhay sa Canada
Nanalong Miss International si Bea Santiago sa kumpetisyong ginanap sa Japan. At least may isa na namang Filipina na nanalo sa isang international beauty contest na nakapagbigay karangalan sa atin, sa kabila ng mababang pagtingin na sa atin ng iba dahil sa korupsiyon sa ating pamahalaan na nabunyag pa sa international media pagkatapos ng bagyong Haiyan.
Pinay si Bea, pero lumaki siya sa Canada. Noon lamang daw magÂdesisyon siya na gusto niyang sumali sa isang beauty contest at saka niya tinalikuran ang mas magandang buhay sa Canada at umuwi na rito sa Pilipinas.
At least may karangalan na naman tayo.
Mga artista pa-eklay lang ang pagpunta sa mga binagyo
Pinapagtsismisan nila ang daÂlawang artista na pababa na ang poÂpularidad. Mas marami pa raw pictures kaysa sa dala nilang mga relief goods. Isa pa, mukhang hindi sila nagpunta doon sa talagang diÂsaster area kung ‘di sa ibang lugar na siguro naapektuhan nga rin ng bagyong Haiyan, at saka baka may mga kaibigan sila roon.
Marami talagang mga artistang nag-iisip ngayon na umepal diyan sa disaster areas nang makita nila ang epekto ng pagdalaw doon ni Justin Bieber.