Aktor laging tulala sa mga eksena

MANILA, Philippines - Lumaki sa poder ni Robin Padilla ang pamangkin niyang si Bela Padilla. Magkasama sila ngayon sa festival entry ng action star na 10,000 Hours at halos lahat ng mga eksena sa Amsterdam, Netherlands ay magkasama sila.

“Magaan siya. Nagulat lang ako nang mag-eksena kami dalawa dahil… ‘Ikaw, pamangkin, siguradong mananalo ka!’ Dahil ilang beses ko nang napanood ang pelikula at nadadala pa rin ako sa mga eksena (namin). Mahusay, napakahusay!” deklara ni Robin sa presscon ng movie habang katabi si Bela.

“Sana magdilang-anghel siya! Hahaha!” tugon naman ni Bela.

 â€œSiyempre iba ‘yung kasama mo siya. Nakikita mo siya habang lumalaki ako. So, siyempre, nasa utak namin na, ‘Idol ‘yan eh. Idol!’ Pati kami namamangha. Ibang level ‘yung feeling ng pagpasok ko sa eksena na mabigat.

“Kinakabahan siyempre ako. Ayoko siyang ma-disappoint eh. At ayokong…Ayokong maisip na sayang, sana ginalingan ko pa! Talagang trinay ko naman. Sa tulong ni Direk Joyce, nilubus-lubos ko na. Para hindi na ma-retake. Sana maulit kahit hindi ko alam kung kelan,” pahayag ni Bela sa presscon ng kanilang filmfest entry.

Lumabas na tatlong anak nina Robin at Mylene Dizon sa movie sina Cholo Barretto, Winwyn Marquez, at Markki Stroem. Sa tatlo, si Cholo ang halos maiyak sa pagkakasama niya sa cast.

“Ako po, grabeng-grabeng pressure ang nilunok ko sa pelikulang ito. Kaeksena ko po, Mr. Michael de Mesa, Miss Mylene Dizon, Robin Padilla…Hindi ko po alam kung anong tamang ginawa ko sa buhay ko para deserving ako ngayon.

“Hindi ko alam eh. Sobrang pasasalamat lang ang meron ako ngayon. They entrusted me with this role. Ngayon, hindi ko…punumpuno ako ng kasiyahan,” madamdaming saad ni Cholo.

“Ako po kasi, first time kong mag-movie. Sobrang kinabahan ako dahil sino ba naman ako? Bagong artista lang ako ’tapos ang kaeksena mo, Robin Padilla, ’tapos si Direk Joyce. Ang dami kong natutunan!

“Lagi akong nai-starstruck. Lagi akong natutulala! Pero sa tulong nila, lalo na sa airport scene, sobra kaming na-motivate ni Direk Joyce. Sobrang nakatulong,” tsika naman ni Winwyn.

Kuwento naman ni Markki sa experience niya sa pelikula: “Kung motivation talaga ang pag-uusapan, si Direk Joyce talaga. To be honest, na-late ako sa shooting na ‘yon (sa airport). Lahat sila naghihintay sa akin. Sabi ni Direk, ‘Alam mo wala kang karapatang ma-late! Sino ka ba para ma-late sa movie na ito?’ Nagalit siya sa akin.

“’Huwag kang tumingin kay Robin pagkalabas niya ng eroplano. Huwag kang tumingin sa kanya kasi wala kang karapatang tumingin sa kanya!’ Grabe!

“Nung hinawakan niya (Robin) ako sa back, totoo na ’yung iyak ko! Hahaha! Abangan ninyo ‘yung airport scene. Solid ‘yon!”

 

Show comments