Fiction based on the life of Sen. Panfilo Lacson ang action-drama movie na 10,000 Hours entry ng N2 Productions, Philippine Film Studios, Inc., at Viva Films sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa Dec. 25. Ayon kay Robin Padilla as Sen. Gabriel Molino Alcaraz, sa series of meetings nila ng kanilang mga producer at ni Direk Joyce Bernal, habang ginagawa ang script nina Keiko Aquino at Ryla Berico, ayaw nilang may iwasan kaya fictionaÂlized ang mga pangyayari sa story.
Paano kung may magreklamo dahil parang totoo ang mga eksena, natatawang sagot ni Robin, kapag may nagalit, guilty sila. Napagkasunduan din nila ni Bb. Joyce Bernal na kung hindi sila gagawa ng ganitong story, mananatili na silang iyon pa ring mga lumang story ng action drama movie ang ipapanood nila sa mga taong naghahanap ng bagong tema ng isang action movie.
Pero bago nila itinuloy ito, personal na nakipagkita si Robin kay Sen. Lacson at nagpaalam siyang may gagawin silang movie based sa buhay nito pero hindi para siya siraan. Ipapakita sa pelikula na tumakas siya para iwasan ang pinakamataas na tao at mga galamay na militar. Nanirahan siya sa Amsterdam ng one year and four months (10,000 hours) hindi para magtago kundi para hanapin ang taong makapagpapatunay na inosente siya sa kasalanang ibinibintang sa kanya. At sa pagtakas niya, makikita ang mga escapade na ginawa ni Robin.
Last January pa nila pinaghandaan ang movie kaya hindi ito propaganda para sa buhay ng senador. Pumayag din sana si Sen. Lacson na tumulong sa pagpo-promote ng movie, in fact, may schedule na sila kung saan-saang show maggi-guest pero bigla ngang na-appoint si Sen. Lacson ng Malacañang as the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery, kaya hindi na matutuloy ang schedule niya dahil kailangan na niyang pumunta sa Tacloban City, Leyte para makita ang laki ng pinsala at kung paano siya magsisimula ng rehabilitation doon. Pero nangako pa rin siya ng buong suporta sa pelikula.
Naniniwala si Robin na sinisiraan lamang ng mga matataas na tao sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. Siguro raw kung hindi nagpahayag ang dalawa na tatakbo sila sa higher position, hindi sila sisiraan.