Patok na kanta pag Pasko walang nakukuhang kahit singko ang original na gumawa
Ilang araw na sa Simbang Gabi, lagi naming naririnig na kinakanta ang Ang Pasko ay Sumapit. Iyan ang pinakasikat na traditional Filipino Christmas song. Kahit na maliliit na bata ay alam ang kantang ’yun. Kahit na noong bata pa kami ay kinakanta na rin iyon. Pero tanungin ninyo ang mga kumakanta niyan kung sino ang gumawa ng kanta at hindi nila alam. Mas malamang sasabihin sa inyo na iyon ay isang Filipino folk song. Mali!
Ang kantang Ang Pasko ay Sumapit ay isang kantang Bisaya na ang title ay Kasadya ni’ng Taknaa na ginawa nina Vicente Rubi at Mariano Vestil noong 1933. Noong 1938, ang kanta ay ginawan ng version sa Tagalog ni Josefino Cenizal, at ginamit iyon sa pelikulang Pugad ng Agila.
Noong early ’50s, hindi na rin nila matiyak kung kailan talaga ang eksaktong petsa, ang composer-lyricist at national artist na si Levi Celerio ay gumawa ng sariling bersiyon, gamit ang musika ni Vicente Rubi, at iyon ang alam natin ngayong Ang Pasko ay Sumapit.
Naalala nga namin ang madalas na sinasabi noon ni Mang Levi bago siya yumao, kung mayroon lang totoong royalty, at binibigyan lang siya kahit na singko sentimos ng lahat ng kumakanta ng Ang Pasko ay Sumapit, at noong isa pa niyang kantang Ikaw Lamang ang Aking Iibigin, malamang milyun-milyong piso na ang kanyang perang naipon.
Pero wala ngang gano’n dito noong araw. Iyong mga ginagawa nilang kanta, naibebenta nila sa recording companies nang outright. Hanggang sa kanyang mga huling araw, tumutugtog pa rin si Mang Levi ng kanyang biyolin at ng dahon para kumita ng pera. Hindi rin naman sapat iyong natatanggap ng isang national artist para mabuhay.
Sinulat lang namin ito para malaman ninyo kung sino ang gumawa ng Ang Pasko ay Sumapit, na pinagkakakitaan ng iba hanggang ngayon, pero ang mga gumawa ay wala nang nakukuha kahit piso.
Erap ayaw makisawsaw sa balikan nina Andi at Jake
“No comment†lang ang naging sagot ni Mayor Joseph “Erap†Estrada nang tanungin siya tungkol sa sinasabing pakikipagbalikan ng kanyang anak na si Jake Ejercito kay Andi Eigenmann. May mga nagsasabi nga kasing nag-reconcile na ang dalawa kaya nakikita silang magkasama pero ayaw nilang aminin dahil sa isang controversy na nangyari nang sabihin ng aktres na si Jaclyn Jose sa press na ayaw ni Erap at ni Laarni Enriquez na magkaroon ng kaugnayan ang kanilang anak na si Jake kay Andi dahil iyon ay isang dalagang ina.
Tama naman si mayor. Kung magsasalita pa nga naman siya tungkol doon, pabor man o hindi, magiÂging isang malaking issue na naman iyon. Dahil hindi na nga siya nagbigay ng comment, ayos na iyon.
MMFF passes walang security markings kaya madaling mapeke
May kumalat daw na fake na passes ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Natural na ’yan. Sa Star City din nangyayari iyan pero sanay na sila. Hindi alam ng mga tao na may security markings ang mga ticket at gift certificate ng Star City na hindi nakikita ng iba.
Kaya basta gumawa sila ng fake, huli agad sila. Ganyan din ang dapat na ginagawa ng film festival. Gumamit ng security markings. Iyong passes kasi nila ay parang inimprenta lang sa cartolina eh.
- Latest