Aga pangarap maidirek ni Quark

Naririto sa Pilipinas si Quark Henares, ang movie director na anak ni Dr. Vicki Belo. Magbabakasyon lamang si Quark sa bansa dahil babalik din siya sa Amerika sa lalong madaling panahon.

Buo na ang desisyon ni Quark na manirahan sa New York City. Nalulungkot si Mama Vicki dahil dadalawa na nga ang kanyang anak, lalayo pa si Quark.

Walang choice si Mama Vicki kundi suportahan ang plano ni Quark na nangangarap naman na maging direktor ng isang pelikula na pagbibidahan ni Aga Muhlach. Puwedeng matupad ang dream ni Quark na makatrabaho si Aga pero matatagalan pa ito dahil maninirahan na nga siya sa New York.

Alden ‘di man lang nakaeksena si Robin

Absent si Alden Richards sa presscon ng 10,000 Hours dahil kung hindi ako nagkakamali, may taping siya para sa drama series nila ni Marian Rivera.

Excited pa naman si Alden para sa 10,000 Hours dahil nabigyan siya ng chance na makabilang sa pelikula ni Robin Padilla, kahit wala silang eksena na magkasama.

Nagkita lamang sina Robin at Alden sa story conference ng 10,000 Hours. Hindi sila puwedeng magkaroon ng eksena na magkasama dahil young Robin ang role ni Alden.

Script na sinulat ni Bela Padilla binili ng Fox Channel

May script na isinulat si Bela Padilla na binili ng Fox Channel. Sosyal ’di ba? Ang boyfriend ni Bela na si Neil Arce ang nagkuwento tungkol sa script ng kanyang girlfriend na binayaran ng Fox Channel.

Para bilhin ng Fox Channel ang script ni Bela, siguradong maganda ang kuwento na pinagpaguran niya.

Marami nang claim-to-fame si Bela, na-interview siya ng BBC News, kasama siya sa cast ng isang TV series sa Singapore, at ang latest nga ay ang pagkakabili ng Fox Channel ng story na isinulat niya.

Isyu sa SOCE ni Vilma, kusang namatay

Hindi na pinag-uusapan ang balita tungkol sa utos ng COMELEC na bumaba sa puwesto si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ang ibang mga local official.

Kusang namatay ang isyu dahil nanindigan si Mama Vi na nag-submit siya ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). 

Kahapon ang presscon ni Laguna Governor ER Ejercito para sa kanyang filmfest movie, ang Boy Golden. Sure ako na itatanong kay Papa ER ang reaksyon niya sa utos ng COMELEC. Dati nang may problema sa pagitan ni Papa ER at ng COMELEC.

Inilalaban ni Papa ER ang disqualification case niya na bunga umano ng kanyang overspending noong nakaraang eleksiyon. Ang sabi ni Papa ER, political harassment ang ginagawa sa kanya ng COMELEC.

 

Show comments