Shaina faithful sa pamahiin

Ang Pagpag: Siyam na Buhay ang kaisa-isang horror-suspense movie na kalahok sa 39th Metro Manila Manila Film Festival na idaraos ngayong Disyembre.

Sa direksiyon ni Frasco Santos Mortiz, hango ang Pagpag sa pamahiin na hindi dapat dumiretso ng bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaaring sumunod ang malas at masasamang espiritu.

Ayon kay Direk, karamihan sa younger generation ay hindi na naniniwala sa pamahiin. Pero si Shaina Magdayao na isa sa mga bida ay naniniwala sa pamahiing ito, kaya kapag nagpupunta siya ng burol ay nagdaraan muna sila sa isang gasoline station bago tumuloy ng kanilang bahay. Mahalaga sa kanya ang pagkakasali niya sa horror film dahil na-educate siya tungkol sa mga pamahiin kapag nagpupunta ng burol.

Sinabi naman ni Daniel Padilla na sobrang nakakatakot ang Pagpag pero may mahalaga itong mensahe tungkol sa pagmamahal at pagsasakripisyo para sa lahat na siyang pinakamalakas na puwersa laban sa mga problema.

Idinagdag ni Kathryn Bernardo na bukod sa suspense-thriller, isa itong adventure movie dahil paglalakbay ito ng karakter na ginampanan ng mga bida.

Mapapanood na ang Pagpag: Siyam na Buhay sa Disyembre 25 mula sa Star Cinema at Regal Entertainment, Inc.

Enzo, ready nang maging action star

Tama nga ang sinabi ni Louise delos Reyes tungkol sa nobyong si Enzo Pineda na mahilig ito sa aksyon at gustong maging action star balang araw. Nag-training ito ng taekwondo at magaling sa Muay Thai, archery at firing.

Inamin nito na malaki ang nagawa ng Dormitoryo kung saan isa siya sa mga bida dahil nahasa siya sa tamang pag-arte.

Malapit sila ni Rocco Nacino sa isa’t isa dahil magkasama sila sa Starstruck (Batch 5).

Show comments