^

Pang Movies

Lampungan nina Piolo at Shaina kinatay sa Blu-Ray copy ng OTJ

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang critically-acclaimed film ni Direk Erik Matti na OTJ: On the Job ang kauna-unahang Filipino film na mari-release in Blu-Ray high-definition format.

Na-announce ito mismo ni Direk Erik sa kanyang Facebook page at sa naganap na special screening ng international cut ng pelikula sa Power Plant Mall in Rockwell Center, Makati City.

Magiging available na sa US ang On the Job in Blu-Ray and DVD format on Feb. 18. Orders can be made via Amazon.com for $16.98 (Blu-Ray) and $14.98 (DVD).

Pero dito sa atin, magkakaroon na ng release ang OTJ sa DVD format in its theatrical version on Dec. 19. Star Cinema ang maglalabas nito.

“There will be a director’s commentary, special features, and lots of deleted scenes on both home video versions,” say pa ng director.

Ang hindi na makakasama sa international cut ng OTJ ay ang mga eksena nina Rosanna Roces at JM de Guzman na gumanap na asawa at anak ni Joey Marquez who plays Acosta in OTJ.

“The consensus that we received from programmers is that while they love the Acosta role played by Joey Marquez, they thought the back story of his family only slows down the film and does not really advance the plot,” rason ni Direk Erik.

Hindi nga rin daw makakasama sa international cut ng OTJ ang love scene ni Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Gustuhin man ni Direk Erik na mapasama ang eksenang ito, wala raw siyang magawa.

Sabi niya, “You know, I’ve been hearing a lot of how that particular scene is not really necessary but it is an important scene in the sense that it establishes how much Shaina’s character is being used as leverage by his politician father played by Michael de Mesa to keep Piolo Pascual’s NBI agent in line and make sure his son-in-law does his bidding.”

Para naman sa US remake ng OTJ, pinag-iisipan pa raw ang magi­ging Hollywood cast nito.

Nagbayad na nga raw ang Universal Pictures ng $500,000 para sa film rights. At makakakuha pa raw ng five percent sa magiging total worldwide gross ng Hollywood version.

Magkakaroon ng limited theatrical run in selected theatres ang OTJ hanggang Dec. 24 bago magsimula ang Metro Manila Film Festival.

The Gift ni Ogie tuloy, hinahanapan pa ng schedule

Na-explain ni Wilma Galvante sa contract-signing ni Jasmine Curtis-Smith for TV5 ang tungkol sa pagkaka-delay ng pagpapalabas ng te­leserye ni Ogie Alcasid na The Gift.

Nilinaw ng executive na hindi shelved ang naturang teleserye kundi ipapalabas ito sa January na.

“Hinahanapan namin ng magandang timeslot ’yung The Gift. As of now, extended ang dalawang shows namin na Let’s Ask Pilipinas and Madam Chairman. Maganda kasi ang feedback sa ratings at sa advertising ng dalawang shows kaya we decided to extend it until early part of 2014.

“Dun sana namin ilalagay sa slot na iyon ang The Gift kung hindi sana na-extend ang isa sa dalawang shows. Nagkataon na both are given an extension kaya sa January na namin isasalang ang The Gift,” pahayag ni Ms. Wilma.

 Naipaliwanag na nila kay Ogie ang plano for his show at naintindihan naman daw niya.

“Ogie naman is very busy with both Mega and the Songwriter and Tropa Mo Ko Unli. Plus, marami pa siyang ibang tinatrabaho sa TV5. Nag-stop taping muna siya for The Gift,”dagdag pa ni Ms. Wilma.

Ni-reveal naman niya ang mga plano ng Kapatid Network para kay Jasmine for 2014. Bukod nga sa pagbida sa isang bagong teleserye, gagawa ito ng maraming pelikula at gagawin din siyang TV host.

Madonna tinalo uli sina Lady Gaga at Taylor Swift

Si Madonna nga ang highest-paid woman in music with a total earnings of $125 million para sa taong ito. Tinalo niya sina Lady Gaga at Taylor Swift, ayon sa Forbes magazine.

Galing ang malaking kinita ni Madonna mula sa kanyang MDNA Tour na umabot ng $305 million. Kasama na rin dito ang kanyang fragrance at clothing line.

“Madonna is music’s top earner of any genre or gender and the highest-paid celebrity of any stripe,” ayon sa Forbes.

Nasa second place naman si Lady Gaga with $80 million. Third naman si Taylor with $55 million.

Kasama rin sa listahan sina Beyoncé ($53 million); Jennifer Lopez ($45 million), at Carrie Underwood ($31 million).

vuukle comment

BLU-RAY

DIREK ERIK

JOEY MARQUEZ

LADY GAGA

MS. WILMA

OGIE

ON THE JOB

PIOLO PASCUAL

TAYLOR SWIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with