Dumalo ang ilang artista at producers reÂpresenÂting their movies sa coming 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa grand presscon held at City Best Restaurant in Quezon City last Dec. 12, matapos lumabas ang reklamo ng director ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Leo Martinez na sinasabi niyang hindi raw nakararating sa beneficiaries ang share ng kita sa festival. Dapat din daw na ang mga taga-industriya na ng pelikula (FAP ba?) na ang mamahala sa festival.
Dumalo si Mr. Martinez sa presscon at siguro naman sapat na ang paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority at MMFF Executive Chairman Francis Tolentino na wala silang dapat itago dahil malinis ang kanilang report sa mga kinikita ng festival simula nang siya ang humawak noong 2009 at kung magkano ang percentage na dapat mapunta sa beneficiaries ay tinanggap nila. Hindi man niya diretsong pinangalanan si Mr. Martinez, sinabi na lamang niyang kung ang movie industry ang hahawak sa festival dapat daw ay kilala nila ang 17 Metro Manila mayors na katulong nila para huwag maningil ng amusement tax tuwing festival. Open din daw siya kung may magtatanong pa at sasagutin niya lahat iyon.
Ini-report na rin ni Chairman Tolentino na nag-donate na ang MMFF ng P500,000 sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas at sa darating na festival simula sa Dec. 25 to Jan. 7, 2014 ay may share pa rin na ido-donate para sa rehabilitation nila. Nakita raw niya at ng mga kasama niya sa executive committee ng MMFF nang pumunta sila roon kung gaano kalaki ang napinsala ang maraming tao sa Visayas.
Ipinahayag na rin ni Chairman Tolentino ang schedule of activities ng MMFF.
Sa Dec. 17 magsisimula nang ipalabas ang mga pelikula sa New Wave division sa ilang piling sinehan sa Metro Manila. Sa Linggo, Dec. 22, ang Parade of Stars na magsisimula sa Mall of Asia at 2:00 p.m., at sa Friday, Dec. 27 naman gaganapin ang Gabi ng Parangal sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City at 7:00 pm.
“We are calling on the public to support MMFF. We have provided quality Filipino films that will surely entertain and touch your hearts this Christmas season,†pakiusap pa ng MMDA chairman.
The eight official mainstream entries are:
1. 10,000 Hours/ Robin Padilla, Mylene Dizon, Bela Padilla, Alden Richards. Director: Bb. Joyce Bernal
2. Pedro Calungsod, Batang Martir/ Rocco Nacino, Christian Vasquez. Director: Francis Villacorta
3. Girl, Boy, Bakla, Tomboy/ Vice Ganda, Maricel Soriano. Director: Wenn Deramas
4. Pagpag/ Kathleen Bernardo, Daniel Padilla. Director: Frasco Mortiz
5. Kimmy Dora, Ang Kiyemeng Prequel/ Eugene Domingo, Sam Milby. Director: Chris Martinez
6. My Little Bossings/ Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino Yap. Director: Marlon Rivera
7. Boy Golden/ Jorge Estregan, Jr., KC Concepcion. Director: Chito Roño
8. World/ Sef Cadayona, Yassi Pressman. Director: Eliza Cornejo at Gorio Vicuna