Justin Bieber nakalikom na ng $500,000!

MANILA, Philippines - Hindi na kuryente ang pagdating ng in­ter­national singer na si Justin Bieber sa bansa. Kahapon dumating si Bieber sakay ng isang private plane upang personal na mamahagi ng relief foods sa nasalanta ng bagyong Yo­landa sa Visayas.

Pinagdududahan kasi ang pagdating sa bansa ni Justin kaugnay ng post niya sa Ins­tagram account niya sa fund-raising video niya na Give Back Philippines. Nangalap ng donasyon ang Canadian singer sa campaign video niya through Prizeo.com nang i-launch last December 5.

Hindi lang tulong ang maibibigay ng bawat magdo-donate dahil ang mapipi­ling donor, bukod sa special prize na makukuha, ay may chance na makasama sa isang raffle upang malaman kung sino ang magkakaroon ng exclusive na tsansang maka-bonding si Bieber kung saan man siya pupunta.

Ang suwerteng donor ay maisasama ni Justin sa isang studio next year na puwedeng magbigay ng ideas sa kanya. Pero kailangan munang mag-give back ng taong ito upang makasali sa raffle.

As of presstime, nakalikom na ng halagang mahigit sa $500,000 ang Give Back Philippines ni Bieber!

Huwag naman sanang hinimatay si Justin habang namimigay ng good sa kababayan natin sa Visayas katulad nung nakaraang concert niya sa bansa na matapos ang ilang kanta ay hinimatay dahil sa over fatigue, huh!

Direktor na ka-relyebo sa festival entry nakapagpagulo

Kinailangang kumuha ng ibang director ang isang festival entry upang umabot sa deadline ang movie. Super busy kasi ang mga bidang artista ng pelikula kaya kailangang mag-double time sila upang hindi sumabit sa playdate ang pelikula.

May direktor naman talaga ang movie. Eh kaso nang magbakas­yon siya, ipinagpaalam na kukuha sila ng ibang direktor upang samantalahin ang bakanteng schedule ng mga bida.

’Yun nga lang, may isang taong hindi nakaalam sa pagkuha ng ibang director kaya natarayan niya tuloy ang taong namamahala sa produksiyon nang malaman ang pangyayari, huh!

Show comments