Say ni Marian Rivera, may offer sa kanya ang boyfriend na si Dingdong Dantes na mag-produce sila ng pelikula together.
“Pero sabi ko, iisipin ko. Ang pagpo-produce kasi hindi biro ang inilalabas na pera talaga. Kahit ako, na-experience ko rin ’yan. Ang hirap pala.
“At hindi birong mag-produce ng pelikula. As in sakit-ulo,†sabi ng aktres.
As we all know, first time mag-produce ng pelikula ni Marian via Kung Fu Divas na pinagbidahan nila ni AiAi delas Alas. Okay naman daw sa kanya ang outcome ng movie sa takilya dahil, aniya, hindi man sila kumita ng malaki, at least, ay nabawi naman nila ang kanilang ipinuhunan.
Ejay nabinyagan sa lovescene
Sobrang excited ni Ejay Falcon sa pelikulang Saka Saka na isa sa official entries for 2013 Metro Manila Film Festival under New Wave Section Full Feature Category. Kasama niya rito bilang bida rin ang young actor na si Joseph Marco mula sa direksiyon ni Toto Natividad.
Si Direk Toto rin ang nagdirihe ng teleseryeng Dugong Buhay ni Ejay na katatapos lamang iere sa ABS-CBN. Pero nauna raw nilang gawin ang Saka Saka (na ang ibig sabihin ay assassin) kaya say ni Direk, dito raw niya talaga unang napansin ang potensiyal ng young actor bilang action star.
Technically, ayon kay Ejay, first full-length movie niya ito kaya naman ibinigay niya ang lahat at first time raw niyang pumayag sa matinding love scenes.
Leading lady ni Ejay si Kathleen Hermosa at talagang steamy daw ang kanilang love scenes.
Biro ni Ejay, “Noong una, takot na takot ako kasi sabi ni Direk, papakita raw ako ng puwet.â€
Pero say niya, siguro raw ay binibiro lang siya ni Direk Toto.
But seriously, say ng aktor, kabadung-kabado raw siya talaga habang kinukunan ang love scene.
Kinakantiyawan si Ejay kung ano ang naramdaman niya at say niya ay professional naman sila bilang naroroon ang boyfriend ni Kathleen nang kinukunan ang scene.
So, medyo na-conscious siya dahil nandoon ang boyfriend ng leading lady niya?
“Medyo. At saka, first time ko eh,†he said.
Sa mga teleserye ay hindi niya narasanan ang ganito katinding love scenes. Nagkaroon sila ng mild kissing scene ni Yam Concepcion sa Dugong Buhay pero dahil mas nauna niyang gawin ang Saka Saka, ito talaga ang kino-consider niyang first.
Ang Saka Saka ay ipalalabas mula Dec. 18 to 24 sa Glorietta 4 and SM Megamall cinemas.
|