MANILA, Philippines - Marami pang gustong gawin si Marian Rivera kaya naman ’yung tsismis na pagpapakasal sa boyfriend na si Dingdong Dantes ay wala pa talaga sa isipan niya.
“Marami pa akong gustong gawin lalo na ngaÂyon. Sabi nga ni Dingdong, in time. Pero hindi naman ibig sabihin ay nire-reject ko siya. Lahat ng babae, pangarap ikasal.
“Pero sabi ko nga, in time at kapag nakapagÂdesisyon na, buung-buo na ang desisyon ko, magpapaganito (presscon) uli ako. Ia-announce ko sa inyo. Ganoon kayo kahalaga. Hindi ko ililihim ’yan! ’Pag magpapakasal ako, sasabihin ko sa inyo. Pero wala pa talaga!†diin ni Marian sa lunch niya with the press upang sabihin ang bagong tulong na gagawin, ang Kapuso Adopt-A-Bangka Project.
Ngayong Pasko, ang usapan nila ni Dong ay walang bigayan ng regalo.
“Magpo-focus kami sa mga taong…wala munang regaluhan. Kanya-kanya muna kaming destinasyon. Siya sa Yes Pinoy Foundation at ako ’yung sa bangka. Wala eh. Mas mabuti siguro ’yung… iba kasi eh.
“’Nung nagpunta kasi ako sa Cebu at namigay ng relief, sa bunduk-bundok na aming napuntahan, in fairness, nakakataba ng puso. Taga-bundok sila. Pero nung nakita nila ako, parang ‘Mariannnn!!!’
“Ang sarap talaga ng pakiramdam na pinupuntahan mo ’yung tao. Nakikita mo ’yung ngiti kahit nasalanta sila ng bagyo. So, ibang feeling ’yung nata-touch ang isang tao. Para sa akin, ’yun na muna ako. Wala munang gift!†deklara ni Yan Yan.
Nilinaw din ni Marian ’yung pagkakabanggit niya ng salitang kabiyak nang manalo siya bilang best actress sa nakaraang Star Awards for TV.
“Ganito po kasi ’yan, si Kuya Robin Padilla, kinukulit ako. ‘Uyyy! Seksi ni Dingdong.’ Nag-aasaran kaming dalawa. Niloko ko siya.
“Kung napansin ninyo at nandoon kayo, pumapalakpak si Kuya Robin. Inaasar niya ako. Nang sinabi kong kabiyak, woooh! Nagwala na siya! Pagbaba ko, ‘Ikaw talaga, Kuya!’ Sabi niya, ‘Ayosss!’
“Siguro nagkakaintindihan kaming dalawa pero nilinaw ko po ’yan! Mali po ako sa term na kabiyak. Ang kabiyak po ay sinasabi sa asawa. So, na-misinterpret ako roon bilang nag-aasaran kami ni Kuya Robin. Boyfriend lang po!
“Ano ba ang dapat? Ayoko naman ng dyowa! Walang ka-finess-finess! Love na lang. Ang aking love,†paliwanag pa ni Marian na Carmela na ang title ng bagong series at hindi na Catarina.
Young actress magaling makipag-plastikan, totoong ugali pang-kontrabida kahit laging mabait sa mga ginagawang serye
Pakitang-tao lang daw pala ang pagiging mabait sa screen at showbiz gaÂtherings ng isang kilalang young actress. Sa roles kasing ginagawa, madalas na api-apihan ang role ng young actress at nagagawa naman niyang kabilib-bilib ang performance niya.
Pero kapag wala sa camera, likas daw ang pagiÂging maldita ng young actress. Hindi siya totoong kimi at sweet gaya ng pino-project niyang image. Marami na ang nakasaksi sa pangit na ugali ng young actress na magaling lang magtago.
Talung-talo pa siya ng isa ring young actress na lumalabas man ng role na maldita sa series na ginawa, sa totoong buhay ay ang bait-bait daw nito na never kinakitaan ng paglaki ng ulo, huh!
Kaya naman sa showbiz man o hindi, looks can be deceiving.