Aktres na si Glenda Garcia dati nang tumutulong sa may breast cancer
Kahit dumadaan ngayon sa chemotherapy ang aktres na si Glenda Garcia dahil sa sakit niyang breast cancer, tuloy pa rin ang pagtulong niya sa Philippine Foundation for Breast Care, Inc. Isa siya sa mga nanguna noon na tumulong sa mga breast cancer patient ng East Avenue Medical Center noong 2005. Hindi nga niya alam na eight years after ay siya naman ang makakaranas ng naturang sakit.
Noong nakaraang Dec. 5 ay nagkaroon sila ng Christmas party na 151 breast cancer patients ang dumalo kasama na ang ilang staff, volunteers, at guests.
Natuwa si Glenda dahil sa mga tulong na bigay ng mga co-star niya sa teleserye na Akin Pa Rin ang Bukas.
Nagbigay daw si Cesar Montano ng P50,000 at siya mismo ang pumunta sa salu-salo na iyon. Dumating din sina Charee Pineda, Ina at Ana Feleo, at Selina Sevilla.
Hindi man nakarating sina Lovi Poe, Gloria Romero, at Liza Lorena ay nagpadala sila ng kanilang contribution sa raffle para sa mga pasyente roon.
“Sobrang pinasaya nila ang mga cancer patient sa araw na iyon at ang laki ng pasasalamat ko sa mga kaibigan natin sa trabahong ito.
“Tuloy lang ang laban dahil sa nakikita ko sa mga taong natutulungan ko, hindi sila nanghina kundi parati silang masaya at patuloy ang pakikipaglaban sa buhay,†sabi ni Glenda.
Ruru biglang lumaki
Kaka-turn 16 years old pa lang ni Ruru Madrid pero malaki na ang binago niya physically. Mas tumangkad siya at lumalim na ang boses niya.
Kung noong panahon ng Protégé ay totoy na totoy pa siya, ngayon ay mamang-mama na siya.
“’Yung mga dati kong damit hindi ko na masuot kasi hindi na kasya sa akin,†natawa ang teen star.
Kahit binatilyo na si Ruru, wala pa raw itong nililigawan. Ayaw daw niyang manligaw ng kaedad niya. Gusto niya ay mas matanda sa kanya.
“Hindi naman po ’yung cougar ang dating. ’Yung konting tanda lang sa akin. Sabi kasi nila mas okay daw na maging first girlfriend mo ay ’yung mas matanda — ’yung may experience na sa buhay.â€
Balitang panay ang porma niya ngayon kay Joyce Ching, lalo na noong malaman na wala na itong boyfriend.
“Lagi lang po akong inaasar ni Joyce. Si Joyce ang matinding mang-asar sa akin parati,†ngiti pa niya.
“Hindi raw ako marunong manglibre sa kanila. Ako na lang daw ’yung hindi nagti-treat eh malapit nang matapos ang Dormitoryo.
Kung bibigyan siya ng chance, liligawan kaya niya si Joyce?
“Bakit naman po hindi?†ngiti niya. “Kung papayag po ba siya eh. Kaso nasabihan na niya ako na huwag akong mag-attempt kasi bata pa raw ako. At ayaw daw muna niyang magkaroon ng manliligaw.
“Okay lang naman. Nandiyan naman sina Lauren (Young) at Winwyn (Marquez). May mapagpipilian ako,†tawa niya ulit.
Next year ay ipapalabas na ang indie film na bida si Ruru na may titulong Above the Clouds na idinirek ni Jose “Pepe†Diokno. Ilalaban daw muna ito sa Venice International Film Festival bago ito magkaroon ng commercial run sa Pilipinas.
Britain’s Got Talent na si Susan Boyle na-diagnose na may mild autism
Matagal nang nawala sa eksena ang sumikat na plain housewife sa Britain’s Got Talent na si Susan Boyle. Na-diagnose pala ito with Asperger’s Syndrome last year. Ang naturang sakit ang siyang dahilan kung bakit hirap siyang makipag-communicate sa ibang tao. Isa iyong mild form of autism.
Sa isang interview ni Susan, nasabi niya na isang blessing ang pagdating ng sakit sa kanya dahil iyon ang magiging paraan kung paano siya tuluyang maiintindihan ng mga tao sa paligid at kung bakit kakaiba ang behavior niya.
“Now I have a clearer understanding of what’s wrong and I feel relieved and a bit more relaxed about myself,†say pa niya.
- Latest