MANILA, Philippines - Ibinuking ni Gov. Vilma Santos-Recto ang hindi pa pagbibigay ng regalo nina Gabby Concepcion at Konsehal Roderick Paulate sa bunsong anak niyang si Ryan Christian na inaanak pala ng dalawa. Naging hosts kasi sina Gabo at Dick sa Voices, Songs, & Rhythms (VSR) na singing search at bahagi ng yearly Batangas Foundation Anniversary.
“Seventeen years old na si Ryan Christian. Wala pa rin siyang natatanggap sa dalawang ninong niya. Hahaha!†biro ni Gov. Vi sa kanyang speech bago sinimulan ang contest.
Sa totoo lang, personal ang pang-iimbita ni Gov. Vilma sa mga kasamahang artista at mga bagong singer upang maÂging bahagi ng palabas na sponsored this year ng Batangas City. Ayon nga kay Marian Rivera na nagsilbing isa sa mga judge, “Walang hindian ’yan! ’Pag may taping, cancelled! Hahaha!â€
Eh bukod kina Gabo, Dick, at Marian, present din sa VSR sina Amy Perez, Maja Salvador, Jose Mari Chan, Jed Madella, Tirso Cruz III, Jessa Zaragosa, Dolly Anne Carval, Pilipinas Got Talent grand winner, Marcelino Pomoy, at The Voice grand finalists na sina Myk Perez, Janice Javier, at Radha.
Sa Governor’s Mansion sa BaÂtangas Capitol nagsama-sama ang lahat ng mga artistang nagpasaya sa mga Batangueño. Bilang public official, natanong si Gov. Vilma sa komento niya sa bangayang nangyayari sa Senado sa pagitan nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Miriam Santiago.
“Well, hindi maganda. Hindi maganda. Ngayon, ako naman, from my end, ang tingin natin sa kanila, mga statesman eh. You get me? Kasi parang… huwag na. ’Yun na ’yon! Hahaha!†maiksing tugon ng gobernadora na ayaw nang masangkot sa issue.
Pero wala pa siyang plano after ng term sa Batangas, kung siya ang papipiliin, ano ang mas gusto niya pa ring gawin, pulitika o showbiz?
“Mas gusto kong… gusto kong magdirek! Gusto kong magdirek ng pelikula. Looking forward ako roon! Given a chance sa darating na eleksiyon at hindi ako tatakbo, I will make sure that I will make one movie as a director,†pahayag ng Star For All Seasons.
Bilang gobernadora ng Batangas, masasabing ang pinakamalaking nagawa niya ay ang maisayos ang administrasyon para sa kabutihan ng lahat.
“I am not saying that my administration is perfect. Alam ng Batangueño ’yon. I tried my best na mag-bend ng sistema ng pulitika for the better. ’Yun, puwede kong ipagmalaki,†tugon niya.
Aware si Gov. Vilma na kapag public servant ay corrupt agad ang image na tingin ng tao.
“Meron din namang gumagawa ng matino at willing magsilbi ng tapat,†deklara ng actress-politician.