Hindi masyadong maingay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa ngayon sa projections nila kung magkano ang kanilang kikitain. Siyempre, kagaya ng dati, taas noo pa rin nilang sinasabing palagay nila ay mas malaki ang kikitain ng film festival sa taong ito pero malaki ang duda namin.
Maliban sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, na kasama si Maricel Soriano, ano nga bang pelikula pa ang masasabi mong may big stars? May pelikula nga si Vic Sotto pero ibang klase iyon dahil sa promo pa lang nila ay lumalabas na support lang siya noong dalawang baguhang bata. Kaya ang projection nila ay nakasalalay lamang sa kung gaano talaga kalakas ang batak ni Ryzza Mae Dizon o ni Bimby Yap, Jr.
Sa nakikita naman ng iba, baka malabo ang malaking projections ng kita ng mga pelikula dahil sa sunud-sunod na dagok sa ekonomiya. Hindi pa tayo nakakakawala sa relief and rehabilitation ng mga biktima ng bagyong Haiyan at marami nga ang nagsasabing magbibigay na lang sila ng donation para sa mga kawawang biktima.
Nasabayan pa ng biglang taas ng singil ng kuryente at gano’n din ng mga produktong petrolyo. Ibig sabihin taas din ang lahat ng halaga ng bilihin. Idagdag pa ninyo ang maraming kumpanyang inalis ang bonus dahil mahina ang negosyo ngayon, bukod doon sa iba na nagbigay na lang daw sa mga biktima ng kalamidad. Marami nga sa mga kumpanya wala ng Christmas party eh.
Ang malungkot dito, kung maliit ang kita ng MMFF, baryang-barya na naman ang mapupunta sa mga maliliit na manggagawa ng pelikula, na siyang ikinakatuwiran nilang nakikinabang sa kita ng taunang December festival. MOWELFUND lang naman ang nasa front eh. Hindi naman masyadong nababanggit na kumakaltas din sa kita ng MMFF ang Optical Media Board, ang anti-piracy agency ng Office of the President na may budget naman talaga mula sa gobyerno. Hindi rin naman halos nababanggit na may kinukuha pang porsiyento para sa social fund ng presidente, parang pork barrel din iyon.
Hay naku, kawawa ang mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Phil pinipilit kay KC
Mabilis na tumanggi si Phil Younghusband sa mga tsismis na nanliligaw naman siya ngayon kay KC Concepcion. Napakabilis naman kasi ng mga tsismis eh, gano’ng sinasabi naman ng football player na nagre-recover pa siya mula sa naging breakup nilang dalawa ni Angel Locsin.
Walang basis ang tsismis na iyan kundi iyong nasabi noon ni Phil na crush niya si KC, at iyon ay noong bago pa sila magkaroon ng relasyon ni Angel. Sa parte naman ni KC, napakaraming sinasabing nakaka-date niya pero hindi nababanggit kailan man si Phil.
Pero may mga nagpipilit pa rin kasi ang katuwiran nila ay “bagay sila.â€
Bakit naman pinipilit eh sila naman ang dapat na mag-isip at hindi naman kayo?
Jolina ramdam ang hirap ng pagbubuntis
Nagkukuwento noong isang gabi si Jolina MagÂdangal kung gaano kahirap ang kanyang pagbuÂbuntis. Napanood tuloy namin ang isang showbiz talk show na hindi naman namin talagang pinanonood. Pero ganoon talaga ang buhay, gusto niya kaÂsing maging nanay kaya kailangang maranasan niya ang hirap ng pagbubuntis.
Pero siguro kung makapanganak na si Jolina, makakalimutan na niyang lahat ang hirap.