Pakiramdam ni Robin Padilla, isa sa mga most difficult and challenging role na nagampanan niya ay bilang politician sa 10,000 Hours, directed by Joyce Bernal.
Sa mahusay na pagdidirek ng lady director and proper guidance ay nasiyahan naman si Binoe sa official entry to the 2013 Metro Manila Film Festival. Sana may gagawin pang isang MMFF entry, ang My Little Bossings, but she opted to concentrate on 10,000 Hours.
Dalawang pelikula ni Mandela inaasahang papatok sa buong mundo
Dalawang pelikula tungkol sa pumaÂnaw na democracy icon na si Nelson Mandela, ang Invictus with Morgan Freeman playing the South African leader at ang Mandela: Long Walk to Freedom with Idris Elba as the young revolutionary, ang inaasahang higit na magiging worldwide blockbuster sa pagkamatay ni Mandela.
Ang Invictus ay nominated sa Oscars.
Kalalabas lang ng Long Walk to Freedom sa U.S.A. noong Nov. 29 at ang playdate nito sa maraming European countries ay inaasahang magiging huge box-office success.
Kapwa sina Freeman at Elba ay nagbigay tribute kay Mandela bilang isa sa pinakadakilang world leader this century.
Pinay actress sa Ilo Ilo isang boto na lang ang kailangan sa Golden Horse
Isang boto lang pala ang kulang para kay Angeli Bayani upang ma-nominate siyang best actress sa Golden Horse Film Festival and Awards, ang equiÂvaÂlent ng Oscars sa Taiwan, para sa pelikulang Ilo Ilo ni Anthony Chen, na taga-Singapore.
Minsan na kaming nakadalo sa Golden Horse event at nakita kung paano kaimportante ang annual event sa Taipei na dinadaluhan ng mga pinakasikat na artista sa Taiwan, China, at iba pang bansa sa Asia. Pati ang trophy ng Golden Horse, solid at mabigat na talagang every winner will treasure.
Ang Pinay na si Angeli Bayani ang gumanap na yaya sa Ilo Ilo, na lahok ng Singapore sa foreign languaÂge film category ng 2014 Oscars. Kalaban nito ang Metro Manila ng UK.
Gov. ER pinupuri sa pagka-hoodlum
Sa trailer pa lang, maraming pumupuri sa kakaibang acting ni Gov. ER Ejercito sa kanyang MMFF entry, Boy Golden: Born to Kill. Ang movie based on the life of Arturo Porcuna ay idinirek ni Chito Roño, na nailabas ang husay sa pagiging aktor ni Jeorge Estregan, Jr.
Mukhang may laban na siyang maÂging best actor sa MMFF Awards Night, sa galing niyang pinakita. Aba, mahigpit kalaban si Robin Padilla. Siyempre dark horse sa top grosser race ang Boy Golden, na ngayon pa lang marami nang nag-aabang.
Sabi nga ni Gov. ER, masuwerte siya sa mga hoodlum movie.
Daniel ilalabas ang tunay na aktor sa katawang pang-matinee idol
Ayaw pumayag ang fans ni Daniel Padilla na mapag-iwanan ang Pagpag na bida ang kanilang idolo. Lumabas sa matinee-idol mould si Daniel sa kanyang MMFF entry at ipinakitang siya ay tunay na aktor, mula sa mga multi-awarded clan ng mga Padilla.
Isang kilala naming Daniel Padilla diehard, meron nang panlibreng pera para sa buo niyang pamilya na sabay-sabay susugod sa sinehan come Dec. 25.