Baguhang aktor na TH kumanta sinupalpal ng veteran singer, walang talent kahit gamitin ang mamahaling mikropono at sound system

Diniretso ng isang veteran singer ang isang baguhang performer na hindi maaaring maging singer ang handsome newcomer.

‘‘Magsayaw ka na lang, doon ka magaling,” payo ng sikat na artista.

Ang sagot ng trying hard, ‘‘Baka noong napanood mo akong kumanta, hindi maayos ang sound system, kaya lumabas na pangit ang boses ko.’’

Sa totoo lang, kahit pinaka-state-of-the-art na sound system at most expensive mic pa ang gamitin niya, hindi mareremedyuhan ang sintunado niyang tinig! Ayaw pasaway ang TH, kaya nadagdagang muli ang mga nagpipilit kumanta kahit masakit sa tenga ang dating ng boses!

Heart pinag-iilusyunan na

Kapag lumalabas na ang mga sexy calendar ng Tanduay Rhum tuwing December, ito lang ang panahon na medyo nagiging Pamintuan (lalaki o umaarteng lalaki) ang ating mga kafatid sa showbiz press. Hindi nila mapigilan ang humanga sa magagandang wangkata ng mga artistang modelo sa kalendaryo.

This 2014 Calendar, isang very sexy Heart Evan­gelista ang Tanduay Rhum model. Kahit sinong lalaki o celebrity pa ang kanyang boyfriend, ipagmamalaki ang mga very revealing ni Heart sa mga poster at desk calendars na nakita namin.

Ang Tanduay ay respected icon na sa daigdig ng distillery. Maraming mga gold medal ang napanalunan ng proudly Pinoy rhum sa mga worldwide competition. Kaya ang mga kinukuha nilang mga modelo ay mga respetado, kahit sabihin pang may mapang-akit na exposures. Sexy pero hindi malaswa!

Noong una, takot si Heart Evangelista na gawin ang pictorial for Tanduay. Kailangan niya ang sapat na workout at iba pang training upang maayos ng mabuti ang kanyang figure at self-confidence. She really worked hard and exerted so much effort for it.

Nang makita ni Heart ang lahat ng kanyang pinagpaguran, naging proud siya sa sarili, nadagdagan ang confidence at paniwalang maaaring makamit ang isang goal, kapag buo ang loob at pagsisikap.

Lahat ng mga larawang inilabas ng Tanduay, sabay sa pagsapit ng holiday season, magiging buong taon (o baka panghabang panahon) na pagdiriwang para sa  aktres, TV host, at modelo.

Lahat ng kalalakihan, pati kapwa niya babae (for inspiration), hahangaring magkaroon ng kopya ng iba’t ibang Tanduay calendars.

Lea suwerte sa elepanteng pigurin

Kahit hindi superstitious ang Oliver and Tony best actress awardee na si Lea Salonga, palagi pala siyang may elephant figure inside her dressing room sa bawat show.

Nagsimula siyang gawin ito nang bigyan ng ele­phant figure ng kanyang aunt noong nine years old pa lang sa Repertory Philippines. Naniniwala rin siya na ang mga elephant ay may good memory at good vibes kaya hindi niya nakakalimutan ang kanyang lines, blocking quick changes ng costumes, at nagdadala pa ito ng good luck sa palabas.

Nakaipon na tuloy siya ng mga elephant figure collections na mula pa sa India, China, at iba’t ibang bansa, made of jade, brass, ivory, at wood.

Piolo magpa-Pasko rin kasama ang mga biktima ng bagyo

Plano ni Piolo Pascual na mag-celebrate ng Pasko with Yolanda victims. Puwedeng pumunta sila ng pamilya sa Tacloban on or before Christmas para maghatid ng mga tulong sa Kabisayaan.

This is the season for sharing kaya’t para sa aktor tutulong siya sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan.

Marian mag-iiba sa CaRMELA

Fresh from winning a Star Awards for TV best actress, trophy Marian Rivera is now taping a new teledrama tentatively titled Carmela.

Siyempre naiiba naman ito sa kanyang award-winning role sa Temptation of Wife.

Show comments