Thea wala pang alam sa susunod na gagawin

MANILA, Philippines - Aminado ang Kapuso young star na si Thea Tolentino na malaki ang naitulong sa career niya ng pinagbidahan niyang afternoon serye na Pyra: Ang Babaeng Apoy.

“Dream come true for me ang lahat ng nangyaring ito sa aking career. It’s really an honor na nabigyan ako ng ganito kalaking break. Sobrang ibinigay ko ang best ko sa proyektong ito at marami akong natutunan. Looking forward ako sa susunod na project na ipinagkakatiwala sa akin ng GMA 7,” sabi ni Thea nang dalawin namin sa last taping day ng seryeng Pyra: Ang Babaeng Apoy.

Kumusta na sila ni Jeric Gonzales, na leading man niya sa programa?

 â€œAyun, ganoon pa rin po. Compared nga po sa dati naming relationship, parang ngayon mas naging close talaga kami,” sabi ng teen actress.

Samantala, hindi pa alam ni Thea kung ano ang follow-up project niya sa GMA pagkatapos ng Pyra.

“Gusto kong ma-try ’yung strong personality ulit na role, ’yung may strong personality. Parang ’yung role ko sa Anna KareNina.

“Pero mapagmahal pa rin,” pahabol niya.     

 

Show comments