MANILA, Philippines - Ugali pala ng isang actress na i-text ang past boyfriend niya kahit kasama niya ang current boyfriend niya. Naging mitsa raw ang text na ‘yon upang magselos ang boyfriend na artista kaya kinalasan siya.
Base sa nasagap namin, magkasama raw sa isang event ang showbiz couple nang i-text ng babae ang dating boyfriend upang imbitahin sa event. Nakita raw ng lalaki ang text na ‘yon na ikinagalit niya. Feeling daw ng boyfriend, bakit kailangang gawin niya ‘yon sa harap niya.
Eh, may history na rin pala si girl na ganoon din ang nangyari. Habang kasama ang dating boyfriend, text siya nang text sa past boyfriend niya. Nagalit ang lalaki at hiniwalayan din siya, huh!
So kahit walang third party sa hiwalayan, ang hindi magandang ugali na ‘yon ng aktres ang ikinaayaw sa kanya ng humiwalay na boyfriend kahit sabihin ng girl na mutual ang break up nila!
Sen. Lacson magpo-promote ng MMFF
Umani ng maraming likes ang poster ng 10, 000 Hours na festival entry ni Robin Padilla nang ilagay niya ito sa kanyang Instagram account. Mukha lang ni Robin ang nakalagay pero punumpuno ng emosyon!
Eh, hindi na maipagkakailang base sa kuwento ng buhay ng dating senador na si Ping Lacson ang movie nu’ng panahong nagtago siya sa gobyerno. Nang mapanood namin ang execution ni Direk Joyce Bernal nu’ng tugisin si Robin ng mga awtoridad para hulihin, kakaibang excitement ang dala ng mga eksena, huh!
On the news muli si Sen. Lacson dahil sa pagtalaga sa kanya ng President P-Noy bilang rehabilitation czar kaya swak na swak ito sa awareness ng tao sa 10,000 Hours.
Ang balita nga namin, pumayag si Sen. Ping na mag-guest sa Gandang Gabi Vice kasama si Robin, huh!
Alalay ni Piolo mas piniling mag-artista
May na-train palang kapalit si Moi Bien, ang personal assistant ni Piolo Pascual, kaya naman libre siyang mag-shooting o taping. Nasa cast muli ng Kimmy Dora, Ang Kiyemeng Prequel, kung saan nadiskubre sa unang installment ang kakayahan niya sa pagpaÂpatawa.
“Sinasabi ko lang kay Sir na sa mas maÂlaking kita muna ako magtatrabaho. May pumapalit naman sa akin na na-train ko nang husto para mag-assist kay Sir.
“Eh, supportive naman siya sa pag-aartista ko kaya wala namang problema sa kanya kung ako o hindi ang mag-assist sa kanya,†katwiran ni Moi.