Gusto ni Kris Aquino na makarelasyon si Vic Sotto sa larangan ng business. Mas gusto niya na pangmatagalan ang kanilang relasyon at mas nakikita niya iyon sa pamamagitan ng pagiging business partners nila.
Naikuwento ni Kris na si Vic ang nag-mention sa kanya na tungkol sa Metro Manila Film Festival project na My Little Bossings at ang anak nga niyang si Bimby Aquino Yap ang nasa isip niyang magbibida sa pelikula with Ryzza Mae Dizon.
“Kumurot sa puso ko ang istorya. And when Vic offered this project to me for Bimby, I just couldn’t pass up the chance for him to work with Vic and learn from his work ethic. Gusto ko mamulat siya sa showbiz na si Vic ang unang kasama sa pelikula,†sey pa ni Kris na isa nga sa producers ng project.
Si Kris naman ang kumuha sa TV commercial director na si Marlon Rivera bilang director ng My Little Bossings na originally ay kay Bb. Joyce Bernal at Tony Reyes.
Dahil sa mas tutok si Kris bilang producer, hindi full-length ang paglabas niya sa pelikula bilang aktres.
“I only have a total of six scenes in the movie. The movie is really about the relationship of Vic’s chaÂracter with the characters played by Bimby, Ryzza and Aiza.
“Binigay ko na sa kanila ‘yung spotlight. Happy na ako sa nagawa ko for the movie.â€
LJ hindi na naalala si Paulo
Nakatulong kay LJ Reyes ang aminin ang pagÂhihiwalay nila ni Paulo Avelino dahil gusto na nito maka-move on.
May peace of mind na si LJ ngayon at ang main concern niya ay ang kanilang anak ni Paulo na si Ethan Akio na ngayon ay 3-years old na.
“Nakabuti na rin ‘yung inamin ko na kung ano ang totoo. Kasi ako rin ang mahihirapan.
“Ngayon mas okey na sa pakiramdam. Parang ang laking bigat na natanggal sa dibdib ko. Wala na ‘yung stress sa pag-iisip.
“Mas gusto ko na ang ganito. Basta ang importante ay ‘yung mga pangangailangan ni Aki ay naibibigay naming pareho ng tatay niya,†diin pa ni LJ.
Nang tanungin namin si LJ tungkol sa panliligaw ni Paulo kay KC Concepcion, wala raw siyang alam tungkol dito.
“Obvious bang hindi na ako up-to-date sa nangyayari ngayon?†sabay tawa niya.
“May nagpaparating naman sa akin regarding diyan kay Paulo at KC. Siyempre, wala naman akong reaction kasi matagal na kaming wala na ni Paulo.
“Early this year pa kami hindi na nagkakasama. Kaya kung may ligawan man siya, okey lang kasi matagal na kaming wala.â€
Kumusta naman ang tungkol sa kanila ni JC de Vera?
“Sa totoo lang, once lang naman kaming lumabas at hindi na naulit iyon.
“Hindi ko naman masasabing date iyon kasi marami naman kami.
“Tsaka si JC matagal ko nang kaibigan din. Mas nauna ko naman siyang naging close kesa kay Paulo.
“Pero ‘yun nga, once lang kami lumabas at wala na. Naging busy na rin siya kasi at ganun din naman ako.
“Kumustahan na lang kami through text. Pero ‘yung magkita, matagal nang hindi nangyayari,†diin ni LJ.
Open naman daw si LJ sa ibang manliligaw basta’t may maibibigay siyang oras at panahon.
“Siguro next year pa ako magiging totally ready. Ngayon kasi, medyo iba ang priorities natin. It’s my work and my son.
“Gusto kong mas marami akong maibigay na panahon sa anak ko. Okey lang naman ngayon kasi busy lang ako with Prinsesa ng Buhay Ko and Sunday All Stars. Kaya hindi ako masyadong ngarag.
“Like noong nakaraang weekend, nag-out of town kami ni Aki. Nag-bonding lang kami kasama ang mga friends ko at ng mga anak din nila.
“Gano’n ang gusto ko parati. May time ka for work and time for my son para balanse ang buhay natin,†pagtatapos pa ni LJ Reyes.
Pelikula ni Direk Lav Diaz kasama sa top films ng British Film Institute
Isa sa Top 30 films of 2013 ng Sight & Sound magazine ang pelikula ni Lav Diaz na Norte Hangganan ng Kasaysayan (North, The End of History). Ang naturang magazine ay published ng British Film Institute.
Kasama rin sa listahan ang mga foreign films na Crime and Punishment ng Russia; Stranger by the Lake and Blue is the WarÂmest Color from France; The Act of Killing ng Danish-British-Norwegian production at Gravity ng USA.
Ang basehan ng Sight & Sound magazine sa pagpili sa Top 30 films ay poll of more than 100 international critics, curators, and academics.
“Each contributor nominated their top five films, from which the final list was constructed,†ayon pa sa naturang magazine.
Ang pelikulang Norte Hangganan ng Kasaysayan ay tungkol sa buhay ng isang simpleng lalake (Archie Alemania) na nakulong at inakusahan na pumatay. Samantalang ang tunay na killer (Sid Lucero) ay malaya at hindi pinagdurusahan ang kanyang ginawang krimen.
Isa ito sa pinalabas sa Un Certain Regard section ng 66th Cannes International Film Festival noong nakaraang April.
Pinapalabas ngayon sa iba’t ibang international film festivals ang Norte Hangganan ng Kasaysayan at nagwagi nga ito bilang best film sa Nuremberg International Human Rights Film Festival noong nakaraang October.
Nakilala si Direk Lav Diaz sa kanyang mga obra na mahahaba ang screening time tulad ng Batang Westside na 6 hours at ang Evolution of a Filipino Family na 10 hours naman ang haba.