Jake ayaw makisawsaw sa sampalan

Nilinaw ni Jake Cuenca sa kanyang Twitter account na wala siyang kinalaman sa nangya­ring gulong kinasangkutan ni Anne Curtis sa isang bar sa The Fort at bagama’t inamin naman niyang naroroon din siya nang gabing iyon, aniya ay wala siyang nakita.

“Nothing... yes i was in prive but i didnt see anything. I was busy minding my own business. Like things should be,” sagot niya sa isa niyang follower na nagtanong.

May nagtanong din kung totoo bang sila ni John Lloyd Cruz ang nag-bang ng door ng CR kung saan ay naroon si Anne at itinanggi ito ni Jake.

“No i absolutley did not bang any doors and i didnt have any problems that night with anne or jlc,”  sagot niya.

He also tweeted, “Um haters im a little bit to old to be pulling pranks on anyone and if you know me thats not my style. Get your facts straight guys.”

Well, at least ay naklaro na ni Jake ang kanyang side. Hinihintay ng lahat ngayon na marinig ang panig naman ni Lloydie.

Sam wini-wish sa Christmas na makilala ng parents niya si Jessy

Wala pa palang bagong development sa panliligaw ni Sam Milby kay Jessy Mendiola at kung baga, ganun pa rin ang estado ng kanilang relasyon. The reason, ayon sa aktor nang makausap namin sa presscon ng Kimmy Dora (Ang Kiye­meng Prequel), bihira raw silang magkita.

“Twice pa lang kami nagkita (ni Jessy) in the last two months,” say ni Sam. “I’m just enjoying the time that you know, we’re still keeping in touch.

Say pa ng aktor, wala raw silang time right now na magkita nang madalas.

“We’ve been keeping in touch naman. We still have contact. Kaya lang, ‘yun nga, ‘yung schedule niya.”

Two weeks ago raw ang huli nilang pagkikita ni Jessy at nanood daw sila ng movie.

This Christmas, gusto ni Sam na ipakilala sa parents niya ang young actress. Darating daw kasi ang mga magulang niya ngayong 2nd week of December at kasama sa wish niya na makasama si Jessy ngayong Pasko with his parents.

Nang hingan siya ng reaksiyon sa pagkakaroon ng interes ng Teng brothers kay Jessy, say ni Sam, “I’m not surprised.”

Hindi kaya maunahan naman siya?

“I’ve kept on saying even dati pa na hopefully, it would work out. But if it doesn’t, ibig sabihin, you know, we’re not meant to be, we’re better off as friends. I always hope for the best,” say ni Sam.

Diego at Kiko tsugi sa serye ni Julia

Finally ay magsisimula nang mag-taping si Julia Barretto para sa kanyang launching project  sa ABS-CBN na Mira Bella hatid ng Dreamscape Productions.

Ngayong week na ito na ang start ng taping at nagkaroon na ng mga pagbabago sa cast. Kung dati ay sina Diego Loyzaga at Kiko Estrada ang napili para maging leading men niya, this time ay si Enrique Gil na ang napagdesisyunan ng management para makapareha ng batang aktres.

Well, siguro ay higit na kinakitaan ng Dreamscape ng chemistry sina Julia at Enrique kaysa sa dalawang young actor na naunang napili.

Wala pang official announcement ang Dreamscape kung kailan ito eere pero plano nilang i-release ang serye early next year.

Show comments