MANILA, Philippines - Mabilis na nag-react si Jake Cuenca sa kumalat na kontrobersiya ng pananampal ni Anne Curtis sa isang bar sa The Fort, Taguig City. Nadawit kasi ang pangalan nila ng kapwa Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.
“Yes I was in Prive (bar) but I didn’t see anything. I was busy minÂdÂing my own business like things should be. I absolutely did not bang any doors and I didn’t have any problems that night with Anne or John Lloyd Cruz,†pahayag ni Jake na ipinadaan sa Twitter ang kanyang depensa.
Pero kung kay Jake ay walang masyadong detalye sa kung ano ang kanyang naging partisipasyon sa kaguluhan sa sosyal na bar na dinaluhan ng grupo ni Anne, si John Lloyd ay itinuturong sanhi ng diumano’y pananampal daw ni Anne dala ng sobrang kalasingan.
Wala pang reaksiyon mula sa aktor pero siya ang sinasabing nakapagpagalit nang todo kay Anne. Nabastos daw kasi ang aktres ni John Lloyd kaya pumalag ang dalaga. Kung anong klaseng pambabastos — hinipuan ba? — ay wala pang linaw hanggang sa ngayon.