MANILA, Philippines - Hiling ni Aljur Abrenica ngayong Pasko na sana ay mamulat na ang lahat ng Pilipino sa katotohanan.
“Kasi halos lahat ng nakikita natin, ilusyon eh. Ilusyon lang. Kumbaga, ayokong masyadong magsalita pero iikot din lahat sa pulitika eh.
“Ayokong magsalita sa kadahilanang hindi ko kabisado ’yang field na ’yan. Ang alam ko lang maÂtagal na tayong pinaiikot ng mga nasa itaas,†pahaÂyag ni Aljur nang bisitahin ng press sa taping ng Ang Prinsesa ng Buhay Ko.
Isa ba siya sa disappointed sa nangyayari sa bansa?
“Sino ba ang hindi madidismaya sa nangyayari sa bansa ngayon? Ang daming nangyari. Sunud-sunod ang kalamidad na nangyari. Tapos ang daming… Mas nauuna pa ang ibang bansa na tumulong sa atin, ’di ba? Hindi natin alam na darating ang Yolanda. Kulang tayo sa impormasyon.
“Kumbaga, kasi ako, bawat artista hindi lang ako, gusto kong kumilos. Inilagay tayo ng Diyos sa puwesto na ito. May impluwensiya tayo eh. May advocacy din ako. Kung anumang advocacy ’yon gusto kong makatulong.
“Pero wala akong planong tumakbo. Hindi ko field ’yon. Hindi ko ’yon pinag-aralan,†katuwiran ng aktor.
PPL magpapatayo ng eskuwelahan
Bahagi ang entertainment press sa isang school na ipatatayo ng PPL Entertainment, Inc. ng talent manager na si Perry Lansigan sa Estancia, Iloilo na isa sa mga lugar na nadale ng bagyong Yolanda.
Sa Christmas card na ibinigay ni Perry sa press na inimbitahan, nakasulat doon ang sumusunod:
“We offer our deepest sympathy with those who have lost their loved ones and their homes.
“So, in lieu of the annual PPL Press Christmas party, PPL Entertainment Inc., and its artists, have decided to donate the amount to be spent for the party and raffle prizes to the victims of typhoon Yolanda.
“As Christmas is a season of giving, we have donated Php100,000 on your behalf. We hope that this will help our brothers and sisters in the greatest time of their need.
“Have a Meaningful Christmas and a Prosperous New Year!
From: Dingdong, Gabby, Geoff, Arthur, Angelika, Carlo, Jolina, Carl, Wendell, LJ, Janno, Rochelle, Max, and Perry.â€
Tutulungan ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong ang pamamahala ng eskuwelahang itatayo ng PPL sa Iloilo na ilalagak doon ang donasyon ng entertainment press.
At least, hindi inalis ni Perry ang Christmas spirit ngayong Pasko at binigyang importansiya pa rin niya ang press na tumutulong sa artists niya kada taon.