^

Pang Movies

Kuya Germs ginastusan sina Calayan at Cruz na mas mayaman pa sa kanya

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tila nagtataka si Ms. F (Fernan De Guzman) sa paglalagay kina Manny Calayan at Joel Cruz sa German Moreno’s Walk of Fame sa Eastwood, Quezon City. Dalawa lang sila sa dinagdag na 12 pangalan sa supposed to be piling lugar ng mga sikat at sumikat na mga artista sa pelikula, TV, tanghalan at iba pang sa­ngay ng showbiz.

Isang one-man job ni Moreno ang nasabing project, kaya walang K ang sinuman kung sino ang gusto        niyang ilagay doon. Ang kanya pang claim ay siya ang gumagasta sa bawat idadagdag na star at pangalan sa Walk of Fame, na noon ay P25,000 each!

Buti na lang ginastahan ni Moreno sina Calayan at Cruz, kahit sabihin pang mas mayayaman ang dalawa sa kanya. Puwedeng maraming nag-request na mga fans nina Calayan at Cruz na isali sila sa Walk of Fame, kaya pinagbigyan ng ko­medyante.

Mike Tyson pinuri si Pacman

Natatawang sinabi ng dating undisputed world heavyweight champion na si Mike Tyson, na pareho silang enjoy ni Manny Pacquiao kapag nasa harap ng camera. ‘‘Both of us love entertaining people.’’

Mapapanood ang HBO TV special na “Mike Tyson: Undisputed Truth” this month sa HBO cable channel.

Nagkita na sila ng personal ni Pacman at para kay Tyson: ‘‘He is a wonderful man.’’

Namigay si Pacquiao ng tig-P1,000 at mga relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Leyte at Samar.

GMA artists nagtampo sa PMPC?

Ang reklamo ng mga nanood ng PMPC Star Awards for Television last Sunday night, maraming mga absent na winners, lalo na ang mga taga-GMA 7.

Tinatanong nila kung sinadyang mag-boycott ng mga artista ng Syete, dahil sa Channel 2 ang telecast.

Bago pa ang actual awards ceremonies a week ago, nakarinig na kami sa loob ng PMPC, na ayaw mag-cooperate sa event ng mga GMA 7 talents. Hindi naman kami nakinig sa sabi-sabi.

Pero last Sunday evening nga, may isang hindi kilalang lalaki ang panay pa­nhik sa stage, upang kunin ang mga trophies ng mga nagwaging mula sa network.

Norris John beterano na sa indie films, gagawin na ring tatay

Malaking question mark kung bakit binigyan pa ng Most Promising Actor award ng Gawad Amerika award-giving body si Norris John, bida sa Batang Ifugao.

Obvious naman na beterano na sa mga indie movies si John at marami na siyang mga pelikulang naging bida o pumapel ng title role!

Ano pa kayang pangako mula kay Norris John ang inaasahan ng Gawad Amerika. Baka ang pagganap na ng aktor ng mga father roles.

Mga Pinoy kasama sa  bagong Walt Disney Movie

Hindi puwede sa mga bata ang ilang malagim na bahagi ng Snow Queen ni Hans Christian Andersen, mula sa fairy tale na ito based ang bagong Walt Disney Animation na Frozen.

Ilan sa mga kanta sa bagong Disney movie ay likha ng mga Fil-Am composers. Nilinis lang ng Walt Disney Production ang buong Snow Queen, upang umakmang ipalabas para sa mga tsikiting, tulad ng iba nilang hit cartoons.

Mga eksena When the Love Is Gone controversial

Rated-A ng Cinema Evaluation Board ang When the Love is Gone na bida sina Gabby Concepcion, Cristine Reyes, Andi Eigenmann, at Jake Cuenca. Lahat meron itong mga objectionable scenes.

Ang sabi naman ng mga nakapanood na ng When the Love is Gone, kaya pinipilahan ito sa takilya ay dahil sa mga controversial and sizzling hot parts.

ANDI EIGENMANN

GAWAD AMERIKA

MIKE TYSON

NORRIS JOHN

SNOW QUEEN

WALK OF FAME

WHEN THE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with