^

Pang Movies

Phoemela kaya raw bayaran Anne lasing nang nanampaldaw!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Na-offend daw si Phoemela Baranda nang sa­bihin sa kanya ni Anne Curtis na puwede siyang bilhin ng aktres.

Ayon sa mga sabi-sabi, naawa sa sarili si Phoe­mela dahil wala na nga itong regular show, nakarinig pa siya ng masasakit na salita mula kay Anne.

Wanted si Phoemela ng mga reporter dahil isa siya sa makakapagbigay-linaw sa balita na diumano ay sinampal ni Anne si John Lloyd Cruz at da­lawa pang tao na mga socialite na napagbalingan ng kanyang galit.

Nangyari ang insidente sa Prive, isang bar sa The Fort, Taguig City ilang araw na ang nakararaan. Naimbiyerna raw si Anne dahil may katok nang katok sa pinto habang nasa loob siya ng rest­room ng bar. May mga haka-haka na baka lasing si Anne dahil hindi naman daw ito basta magagalit kung nasa wisyo siya.

Rep. Manny nagpasaya ng mga kapwa Bisaya, namigay ng tIg-P1K

Pinili ni Congressman Manny Pacquiao na dalawin ang Typhoon Yolanda survivors kesa dumalo sa piyesta ng Sarangani Province.

Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin sa Eas­tern Visayas dahil bukod sa relief goods, tumanggap din sila ng tig-iisang libong piso mula kay Papa Manny.

Malaking tulong sa Yolanda victims ang da­tung na ipinamigay ni Papa Manny dahil kailangan din nila ng financial help.

Bayani naging taga-bili ng alambre bago naging komedyante

Umaatikabong buskahan ang nangyari sa no-holds-barred interview ni Edu Manzano kay Bayani Agbayani sa episode ng What’s Up, Doods? noong Sabado.

Binalikan ni Papa Edu ang humble roots ng dating kasamahan sa Ok Fine Whatever, mula sa pagiging katulong ng ina bilang tindera ng isda sa FTI sa Taguig City hanggang sa kilalanin siya bilang isa sa mga sikat na komed­yante ng bansa.

Ang say ni Papa Edu, simbolo ng pagpupursigi at pagsusumikap si Bayani para mabigyan ng komportableng buhay ang kanyang mga magulang at kapatid.

Hindi tumigil si Bayani sa pagnanais na ma­i­ahon ang ina at makapagtapos ng pag-aa­ral, ka­hit pa na-sheriff ang tindahan nila dahil hindi na­kakabayad ng upa ang nanay niya at walang sa­pat na datung para makapag-aral siya ng kolehiyo.

Sari-saring trabaho ang sinubukan ni Bayani para matustusan ang sarili hanggang maka-graduate sa PUP. Bago naging matagumpay na komedyante, dumaan muna si Bayani sa pagiging production staff, taga-bili ng alambre sa set at wri­ter ng lunchtime show na SST.

Dahan-dahan ang naging pag-akyat ni Bayani at kasama raw sa mga suwerte niya ang misis na si Lenlen.

Apat na ang anak nila na babae lahat, sina Tha­lia, Rosalinda, Marimar at Sabrina. Fan na fan si Lenlen ng Mexican telenovela star na si Thalia kaya ipinangalan niya ang mga bagets sa kanyang favorite actress at sa mga karakter na ginampanan nito sa TV.

Proud na proud si Bayani sa mga anak dahil si Thalia, kasalukuyang enrolled sa kursong culinary arts at si Rosalinda naman ay 4th year high school na at star section pa.

Kung si Bayani ang tatanungin, mas gusto niya na magtapos muna ng pag-aaral ang mga anak kung may balak man silang sundan ang kanyang mga yapak sa showbiz.

“Tapusin muna nila at kung talagang gusto nila ay susuportahan ko sila,” ang say ni Bayani na re­gular na napapanood sa show ni Sharon Cuneta, ang Madam Chairman ng TV5.

Naging bisita rin ni Papa Edu sa What’s Up, Doods? ang model na si Kelly Misa, misis ng anak ng dating sikat na basketbolistang si Ramon Fer­nandez, at si Mikey Bustos, ang Canada-based co­median na sumikat dahil sa kanyang YouTube tutorials tungkol sa Pinoy culture.

ANNE CURTIS

BAYANI

BAYANI AGBAYANI

DAHIL

PAPA EDU

PAPA MANNY

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with