^

Pang Movies

Ryzza Mae kilala sa mundo ng advertising

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bumilib ang direktor ng My Little Bossings na si Marlon Rivera sa child actress na si Ryzza Mae Dizon. Magaan daw katrabaho ito at wala siyang naging problema dahil mabilis daw pumik-ap ng directions ang child star.

Hindi nagdalawang-isip si Direk Marlon na tanggapin ang project na para sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil alam niyang suportado ng maraming fans at ng mga endorsement ng mga bida ng pelikula.

“First of all, sikat na sikat si Ryzza Mae. She’s what my friends and other people talk about in social media.

“Kahit na sa advertising world where I come from, kilala nila si Ryzza Mae kaya doon pa lang, alam ko nang malaki na ang support group niya in terms of fans and sa advertising.

“’Tapos sinamahan mo pa nina Vic Sotto, Kris Aquino, and her son Bimby Yap, Jr. Lahat sila very professional at napakadaling katrabaho.

“So to ask me if our movie will be the top grosser of the MMFF? I can say that there is a potential that we can be the top grosser.

“Hindi lang naman dalawa or tatlo ang kalaban namin sa box-office. Marami kami. But for me we can be number one because of the huge followings of our stars,” sabi ni Direk Marlon.

More than 20 years sa advertising world si Marlon at award-winning ang TV commercials na nagawa niya.

Unang pagsabak niya sa paggawa ng pelikula ay ang indie film ni Eugene Domingo na Ang Babae sa Septic Tank. Nasundan ito ng comedy ni Rufa Mae Quinto na Ang Huling Henya.

Christian ayaw sundan ng mga anak ang yapak

Kung may parte raw nahirapan si Christian Vazquez sa pelikulang Pedro Calungsod: Batang Martir, ito ay ang pag-deliver niya ng mga dialogue in Spanish.

Gumaganap kasi ang dating sexy actor bilang si Padre Diego de San Vitores, isa sa mga misyonaryo na kasama ni Pedro Calungsod na nasawi sa Marianas Islands.

Inamin ni Christian na nahirapan siya sa salitang Kastila at kinaila­ngan nilang pag-aralan nang husto ang buong script na tama ang pagbitiw nila ng Spanish language.

“Kahit mukha tayong Kastil a, hindi ako marunong magsalita ng Kastila. Ilonggo pa tiyak na kayang-kaya ko. May dialect coach naman kami sa set tuwing shooting para makita niya na tama ang pagbitiw namin ng lines. May tamang bigkas talaga at hindi ’yung basta mo lang sasabihin.

“Mabuti na may Tagalog lines na sinama. Noong unang script talaga, puro Spanish lines. Kaya parang kinabahan ako pero willing naman akong pag-aralan ’yan dahil maganda ang pelikula.

“Hinihikayat ko ang marami, lalo na ang mga bata na panoorin nila itong pelikula namin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) on December 25. Marami silang kapupulutan na aral dito,” sabi ni Christian.

Kinumusta namin kay Christian ang kanyang dalawang anak na lalaki. Mga binatilyo na pala ang mga ito pero walang hilig daw na pasukin ang showbiz. Mas gusto pa na normal ang buhay nila.

“My boys are now fifteen and sixteen years old. Teenagers na at kasing tangkad at kasing guwapo ng daddy nila,” tawa pa niya.

“’Yung mother naman nila ay may sarili ng pamilya sa Amerika. Pero kinukumusta naman niya ang mga anak namin every now and then.”

Wala raw girlfriend si Christian ngayon. Kakahiwalay lang daw nila ng non-showbiz girlfriend niya. Kaya loveless daw siya ngayong Pasko.

Dagdag pa niya, “Four years din kami. Pero magulo eh. Mahirap na ’yung nagkakaproblema kaming dalawa. Kaya hiwalay muna. But we are still friends naman.

“Medyo blue ang Christmas natin ngayon. Pero I will be spending it sa Bacolod with my kids. After siguro ng parade ng MMFF, diretso ako sa airport para makauwi sa Bacolod.”

Rihanna nakipagtulungan sa UNICEF para tuloy ang donasyon sa Kabisayaan

Nakipagtutulungan ang singer na si Rihanna with UNICEF (United Nations Children’s Fund) para sa isang proyekto niya para sa mga bata na naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda o Haiyan.

Ang digital campaign na There for the Philippines ay nang-iimbita sa maraming tao na gamitin ang kanilang social media to donate funds and spread awareness tungkol sa relief work na ito ng UNICEF para makapagpadala ng portable water, medicine, and protection to affected children in the Visayas.

Bukod sa campaign, nag-donate pa si Rihanna ng higit sa $100,000 para sa relief efforts.

Kasama ni Rihanna sina Vanessa Anne Hudgens, Major League Baseball player Robinson Cano, at American Women’s National Basketball Association player Skylar Diggins na sumusuporta sa relief efforts ng UNICEF.

Ayon sa UNICEF, higit sa 13 million people, kasama na ang five million children na naapektuhan ng bagyo na sumalanta sa Kabisayaan noong nakaraang Nov. 8.

Say ni Rihanna: “Emergencies make headlines but the recovery continues long after the news cameras leave. More than five million kids in the Philippines need our help.

 â€œUNICEF is there for them today, and for the long road ahead, and so am I.”

DIREK MARLON

KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NIYA

PARA

PEDRO CALUNGSOD

RIHANNA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with