Hindi ko type ang below the title billing ng mga pangalan ng co-stars nina Vic Sotto at Kris Aquino sa My Little Bossings.
Kung ako ang manager ng mga artista na tinutukoy ko, hindi ko na lang ipapalagay ang kanilang mga pangalan sa posters ng My Little Bossings.
Importante sa akin ang puwesto at percentage ng billing ng pangalan ng mga artista sa poster, billboards, etc. dahil parang starlet na starlet sila kapag below the title ang billing ng kanilang mga pangalan. Talagang nakialam ako sa billing kesehodang wala akong alaga na kasali sa My Little Bossings!
Maxene hindi mabanggit ang name ng non-showbiz BF
May bago nang dyowa si Maxene Magalona pero hindi nito binanggit ang name ng mhin sa 12th anniversary presscon kahapon ng Flawless.
Hindi taga-showbiz ang boyfriend ni Maxene na ipinalit niya kay Renz Fernandez. Minsan nang nagkuwento si Maxene tungkol sa kanyang bagong karelasyon at hindi na ito naulit pa.
Kasali si Maxene sa listahan ng mga aktres na ligawin at sandali lamang nawawalan ng love life. Hindi nauubusan si Maxene ng manliligaw dahil maganda siya. Gandang-ganda sa kanya ang mga reporter nang umapir siya sa presscon ng Flawless.
Rocco nagpaka-plastic?!
Knows kaya ni Rocco Nacino na marami ang naplastikan sa mga statement niya tungkol sa kanyang bagong pelikula?
Hindi ko alam ang mga pinagsasabi ni Rocco dahil hindi naman ako invited sa presscon ng pelikula niya na hindi ko rin matandaan ang title.
Vic magkukuwento sa relasyon kay Pauleen
Uso ngayon ang sakit at sore throat dahil sa biglang pagbabago ng panahon. Walang boses si Papa Ricky Lo dahil naapektuhan siya ng sudden climate change.
Wish ko lang, magkaroon na ng boses si Papa Ricky or else, baka puro sign language ang gawin niya ngayon sa Startalk.
Panoorin ninyo ngayong hapon ang aming show dahil may exclusive interview si Papa Ricky kay Vic Sotto, ang bida ng Metro Manila Film Festival movie na My Little Bossings. Siyempre pag-uusapan nila ang walang kamatayan na isyu tungkol sa love life nina Bossing at Pauleen Luna.
Richard walang malay sa tinanggap na award
May kuwento si Jun Lalin tungkol sa tagumpay ni Richard Gutierrez sa nakaraang 37th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Gulat na gulat daw si Richard dahil hindi nito inaasahan na siya ang winner ng best traÂvel show host ng Star Awards for TV na mapapanood bukas ng gabi sa ABS-CBN.
Ito ang kuwento ni Jun: Nanalo ng best travel show host award ang original primetime king ng GMA 7 na si Richard Gutierrez noong Linggo sa Star Awards for TV (may delayed telecast bukas ng gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng Gandang Gabi, Vice). Ito ay para sa Pinoy Adventures, ang dati niyang show sa Kapuso Network na ginawa niya under GMA News and Public Affairs.
Dumalo si Richard at ang twin brother na si Raymond dahil sila ang hosts that night kasama ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga pero nagulat na lang siya nang nagmamadaling pumasok sa dressing room nila ang floor director at hinihila siya papunta sa stage dahil nanalo raw siya ng award.
Sa pagkapanalo ng nasabing award, lalo tuloy na-miss ng fans si Richard at ang lahat nga ay nagtatanong kung after maging Kapuso sa loob ng 11 years, saan na kayang network siya pupunta?