MANILA, Philippines - Kamakailan lang ay inanunsiyo na ang nominees para sa 18th Asian TeleÂvision Awards (ATA) kung saan pito (7) mula sa siyam (9) na nominations mula sa Pilipinas ay nakuha ng GMA Network.
Ang flagship newscast ng GMA na 24 Oras ay pasok sa best news program category para sa extensive coverage nito ng pinsalang idinulot ng bagyong Pablo sa Compostela Valley at sa Davao Oriental. Ang 24 Oras: Bagyong Pablo ay inihatid nina Mel Tiangco at Mike Enriquez.
Nominated din para sa parehong category ang late-night newscast Saksi, na pinangungunahan nina Arnold Clavio at Vicky Morales, para sa entry nitong Typhoon Pablo’s Trail of Death.
Ang Bagyong Pablo naman ng Reporter’s NoteÂbook, ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido ay kalahok sa best current affairs program category.
Para sa best natural history or wildlife program category, pasok sa listahan ang environmental program na Born Impact para sa episode nitong When Whales Strand. Dito ipinakita ng veterinarian hosts na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ang ilang kaso ng “pagkalunod†umano ng mga whale at dolphin sa bansa gamit ang never-before-seen videos at bagong findings mula sa nakaraang stranding incidents.
Ang Primetime Queen naman na si Marian RiÂvera ay nominado para sa best actress in a leading role category. Ito ay para sa natatangi niyang pagganap bilang ang bidang si Angeline sa GMA Network Pinoy adaptation ng hit Koreanovelang Temptation of Wife.
Pasok din sa parehong category ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino para sa kanyang madamdaming performance sa primetime drama na Pahiram ng Sandali (Chasing Moments).
At ang multitalented at versatile na komedyante at TV host na si Michael V. ay muling lalaban para sa best comedy performance by an actor/actress category sa kanyang role sa longest running gag show na Bubble Gang. Tatlong beses nang napanalunan ni Michael V. ang parangal para nasabing category sa mga nagdaang Asian TV Awards noong 2004, 2005, at 2006.