MANILA, Philippines - Pasok na sa Nielsen’s Top 10 evening progÂrams in Mega Manila ang pinakabagong show ni Michael V. sa TV5 na Killer Karaoke Pinoy Naman. Ayon sa Nielsen Media’s Daily Round Up, Top 9 sa Mega Manila at Top 10 naman sa buong bansa ang show noong Nobyembre 23, Sabado, na siyang ikalawang episode pa lamang nito.
Base ang mga rankings sa Nielsen Mega Manila Television Audience Measurement (MegaTAM) at Nationwide Urban Television Audience Measurement (NuTAM).
Mabilis na naging paborito ng mga manonood ang local version ng hit US show na Killer Karaoke dahil hindi lang basta kantahan kundi katatawanan at lakasan ng loob ang tampok dito. Kakayanin mo kayang mag-karaoke habang ginagapangan ng mga gagamba? O habang nilulubog sa tangke na puno ng ahas? O kaya’y habang nasa ibabaw ng umiikot na turntable? Ilan lang ito sa mga challenges na haharapin ng mga contestants ng show para maiuwi ang jackpot prize sa Killer Karaoke Pinoy Naman.
Ngayong Sabado, anim na celebrity contenders ang susubok sa singing challenge ni Bitoy: ang glamorosang socialite-philanthropist na si Tessa Prieto, sexy star Ehra Madrigal, TV host IC Mendoza, Kapatid hunk Vin Abrenica, Fil-Australian model Gerard Sison, at ang mysterious babe ng Artista Academy na si Malak So Shdifat. Sino kaya sa kanila ang makakatapos ng kanyang karaoke song? Sino ang mapapatili? Sino ang uurong sa mga hamon?
Nakikanta at nakitawa na ang US, UK, Brazil, Thailand, at ang buong mundo sa Killer Karaoke, kaya’t tutok na sa TV5 ngayong Sabado, 8:30 p.m. para Killer Karaoke Pinoy Naman!