Ano ba ang nangyari sa mukha ng isang sexy star? Hindi lamang tumanda ang kanyang hitsura dahil parang naging kasing tigas ng bato ang mga pisngi niya.
Shocking ang face ng sexy star na hindi makuntento sa natural beauty na ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon. Nagbulungan ang mga nakakita sa sexy star sa isang presscon dahil ibang-iba na ang kanyang mukha as in nag-deteriorate ito.
Naaasiwa ang mga tao na titigan ang face ng sexy star. Paano kaya niya naaatim na tingnan ang mukha na malaki ang ipinagbago dahil sa kanyang madalas na pagpapakalkal?
Chavit gigil kay Ariza sa paninipa kay Coach Freddie, gustong ipakain sa kanyang tigre
Tinarayan ni Papa Chavit Singson si Alex Ariza dahil sa paninipa at pang-iinsulto nito sa pagkakaroon ng Parkinson’s Disease ni Coach Freddie Roach.
The who si Ariza? Siya ang dating conditioning coach ni Congressman Manny Pacquiao na nag-ober da bakod sa kampo ni Brandon Rios. Wrong career move ang ginawa ni Ariza dahil tinalo ni Papa Manny ang kanyang bagong manok.
Hindi nagustuhan ni Papa Chavit ang pananakit ni Ariza kay Roach kaya nag-dialogue siya na dapat ipakain sa kanyang tigre ang ex-conditioÂning coach ni Papa Manny.
Nagbibiro lamang si Papa Chavit pero iritable siya sa bad behavior ni Ariza na dapat magpasalamat dahil hindi ang ex-governor ng Ilocos Sur ang nakatapat niya.
Ginamit ni Papa Chavit ang kanyang private plane nang pumunta siya sa Macau para panoorin ang Pacquiao-Rios fight.
Pasahero ni Papa Chavit sa private plane niya ang aking best friend na si Pinky TobiaÂno na muntik nang hindi makapanood dahil sa isang speaking engagement sa school ng kanyang anak na si Pianne.
Inuna muna ni Mama Pinky ang kanyang mommy duties. NakaÂkundisyon na ang kanyang isip na hindi na matutuloy ang Macau trip dahil mas mahalaga ang obligasyon niya kay Pianne. To the rescue si Papa Chavit dahil pinasakay nito si Mama Pinky sa kanyang private plane, papunta sa Macau at pabalik sa Maynila.
Kahapon bumalik ang grupo ni Papa Chavit mula sa Macau.
PMPC may dapat ipaliwanag sa pagta-tie ng Kapuso at Kapamilya
Tuwing Monday ang meeting namin para sa Startalk at kahapon, nag-celebrate ang staff dahil sa award na napanalunan ng aming show, ang best showbiz-oriented talk show program ng Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Ipinapaabot ng production staff ng Startalk ang taos-puso na pasasalamat sa PMPC dahil sa karangalan na ipinagkaloob nila sa aming programa. Ang award ang inspirasyon namin para lalong pagandahin ang aming Saturday afternoon talk show na pilit na tinutularan pero hindi mapantayan.
Congrats nga pala sa GMA 7 na hinirang na best TV station. Ka-tie ng Kapuso Network ang ABS-CBN na winner din sa best TV station category. Hindi pa nagpapaliwanag ang PMPC kung bakit nag-tie ang dalawang network at hindi nagkaroon ng tie-breaker.