Panalo ni Pacman pampa-high morale ng mga Pinoy
“To all the people and families affected by the typhoon, I will see you there. I love you so much!†Ito ang binitiwang salita ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos niyang muling tanghaling WBO International Welterweight champion sa laban kay Brandon Rios sa Cotai Arena in Venetian Hotel, Macau. Nakita ngang he looks up to the heavens at nagpasalamat.
Nakita naman na sa simula pa lamang ay malaki na ang tsansa ni Manny na manalo kaya nga tweet ni Dingdong Dantes na nanood sa Macau kay Rios: “’Wag mo galitin ang Pinoy lalo na ngayon na may pinagdadaanan! Matibay ang ispirit!â€
Tweet naman ni Chris Tiu: “Congrats Kuya Manny. Thanks for giving us all something to cheer for and hope amidst this moment of difficulty. Mabuhay ka!â€
Totoo, ang panalo ni Manny ay malaking boost sa mga Pinoy, lalo na ang mga sinalanta ng bagyo sa Visayas.
Around 80% daw ng audience ay mga Pinoy at naroon din ang friend ni Jinkee Pacquiao na si Paris Hilton, si David BeckÂham na personal na pumunta sa dressing room ni Manny and wished him success, si apl.de.ap, at si Mommy Dionisia plus maraming celeÂbrities and politicians ang naroon. First time namang nangyari na isa lamang ang kuÂmanta ng The Star-Spangled Banner ng Amerika at Lupang Hinirang ng Pilipinas. Special request daw ito ni Manny sa American Idol na si Jessica Sanchez. Maayos na nakanta ni Jessica ang ating national anthem.
Thea tanggap kung ibabalik sa pagsu-support
No problem kay Protégé 2 winner na si Thea Tolentino kung after na maging lead actress siya ng afternoon prime drama series na Pyra, Ang Babaeng Apoy ay bigÂyan naman siya ng supporting role ngayong matatapos na ang kanilang soap ng kapwa winner na si Jeric Gonzales. Isa raw malaking opÂportunity ang ibinigay sa kanya ng GMA Network na hindi niya tinanggihan dahil baka hindi na maulit. Pero marami raw siyang natutunan sa una niyang soap at tiyak daw na magagamit niya iyon sa mga susunod pa niyang projects na gusto niya ay drama ulit.
Kaya malulungkot na si Thea sa last two taping days nila dahil naging mabait sa kanila ang mga maÂÂhuhusay na artistang kasama nila, sina Roxanne Guinoo, Angelu de Leon, Gladys Reyes, Christopher Roxas, Polo Ravales, at Ryan Eigenmann.
Biniro namin si Thea kung nanliligaw na sa kanÂya si Jeric na hindi naman inililihim na gusto niya ang leading lady niya pero hindi pa raw siya puwedeng ligawan at 17 years old. Alam daw ni JeÂric na crush niya ito pero hanggang doon na lamang iyon dahil mga bata pa sila at mas gusto muna nilang mag-succeed sa kanilang career. Ang Pyra ay napapanood after ng Magkano Ba ang Pag-ibig sa GMA 7.
- Latest