MANILA, Philippines - Umuusok sa init ang mga love scene nina Gabby Concepcion at Cristine Reyes sa pelikulang When the Love is Gone! Ramdam na ramdam sa lampungan nila ang kasabikan sa sex na hindi naibigay sa kanila ng mga asawang ginampanan nila sa movie. Hayok na hayok talaga silang mailabas ang init na nararamdaman sa isa’t isa!
Sa bathtub scene pa lang ni Cristine, maglalaway na ang mga lalaki at tomboy! Kuha ni Direk Andoy Ranay ang eksenang mangingiliti sa manonood at pupukaw ng kanilang imahinasyon. Feeling nga namin, nasulyapan ang nipple ni Cristine nung umahon siya sa bathtub.
Maging si Gabo, natangay din sa alindog ni Cristine. Sa eksena niya sa swimming pool bago kinalantare ang kapareha sa pool, walang pakialam kung ilantad man niya ang bukol niya.
Present si Gabby nung special preview. Natawa na lang siya sa dayalog ni Cristine na quoted ang deskripsyon ni Grace Ibuna sa meaning ng salitang mistress!
Of course, sobrang mapangahas hindi lang sina Cristine at Gabby kundi pati na rin ang mga malulutong na dayalog ng pelikula. Ang sarap pakinggan ng mga batuhan ng linya nang magharap-harap sina Gabby, Cristine, at Alice Dixson na lumabas na asawa ng aktor.
Pati si Andi Eigenmann, impressive sa pagtataray kay Cristine at sinaÂbuyan ng icing ng cake!
Base sa classic movie na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. Hindi namin napanood ang Danny ZialÂcita movie kaya wala kaming basis ng comparison.
Sapat na sa amin ’yung masiyahan habang nanonood ng movie sa pinakabonggang drama movie ng taon mula sa Viva Films! Hindi mabibigo ang manonood sa bagong bersiyon na ito tungkol sa mga kabit at panoorin sa simula ang movie dahil bago ang ending, isang malaking twist ang sisiklab!
Dolphy stamp inilabas na
Inilabas ng PhilPost kahapon ang Dolphy stamp kaugnay ng National Stamp Collecting Month ngayong buwan. Ayon sa Postmaster General na si Josie de la Cruz, ang signature smile ng Comedy King ang nakalagay sa selyo bilang tribute nila sa Comedy King.
Unang ibinigay ng PhilPost sa pamilya ni Dolphy ang stamp. Ginawan nila ng tribute ang Comedy King dahil sa estilo ng komedya niya na nagustuhan ng bawat pamilyang Pilipino.
Five thousand pieces ng Dolphy stamp ang ilalabas sa Nov. 25 at P100 ang halaga ng bawat isa. Bukod sa paglabas ng Dolphy stamp, nagkaroon din ng Dolphy Alay Kalusugan kahapon sa Signal Village National High School sa Taguig City na naging bahagi ang partner niyang si Zsa Zsa Padilla.