Mayayamang kaibigan ni Pacman biglang nagkuripot

Ipinagdasal ng bayan ang laban ni Manny Pacquiao sa kanyang WBO In­ter­national Welterweight title bout vs. Brandon Rios of USA sa Macau this Sunday.

Higit na ganadong lumaban sa 12-rounder si Pacman dahil nalaman na niyang mapapanood ang bakbakan sa three strategic points sa Tacloban City. Su­su­god doon kung saan malapit ang mga Waray dahil tiyak na magbibigay ng ibayong sigla sa kanila ang match upang mapadali ang pagbangon at muling pagtatayo ng kanilang siyudad sa Leyte.

Ang mga close friend at mayayamang tagahanga ni Pacman, hindi na nanood ng actual fight sa Macau kahit malapit lang ito sa bansa at can afford sila sa travel expenses.

Sa halip na gastusin sa biyahe, ido-donate nila ang pera para sa mga typhoon victims. Si dating Manila Mayor Lito Atienza, sa bahay manonood, upang madagdagan ang iaabuloy niya sa mga Yolanda victims.

Dingdong at Marian katumbas nina David at Victoria Beckham ang style sa fund-raising

Patuloy ang mga fund-raising event sa ating bansa at sa iba pang panig ng mundo. Ang international football star na si David Beckham at ang kanyang wife na singer/model na si Victoria, nagbenta ng kanilang mga damit at sapatos na dinumog ng mga buyer.

Nakalikom ang British Red Cross ng equivalent to P2 million sa mga pinagbilhan ng pinag-agawang gamit ng mag-asawa.

Dito, ang bazaar nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay punung-puno ng taong bumili sa unang araw pa lang. Bukod sa kanilang mga damit at sapatos, marami pang mga artistang nag-donate ng mga bagay na tiyak na very saleable rin. Hanggang Dec. 1 pa ang fund-raiser nina Dingdong at Marian.

Marami pang mga benefit concert ng iba’t ibang grupo para tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Kabisayaan at ibang lalawigan sa bansa na ang mga performer ay mga leading musical artist.

Bukol ni Gabby tinutukan ng mga beki

Noong kinukunan ang kissing scenes at iba pang eksena sa kama ni Gabby Concepcion para sa When the Love is Gone, nakasentro ang tingin ng mga beki sa set sa harapan ng aktor.

Napansin kasi nila na tumatambok ng husto ang harap ni Gabby sa mga sexy take. Buti’t may self-control pa rin siya, so he avoided to be carried away.

Iba naman ang feeling ni Cristine Reyes. Pinipilit niyang wala siyang maramdamang kakaiba sa kanyang mga intimate or kissing scene. Say ng aktres, it was but part of the job. (Kiyeme).

Dennis kayang magbuhat ng saku-sakong bigas

Kahit pala hindi kataasan si Dennis Trillo, super lakas siya. Kayang-kaya niyang kargahin ang isang sakong bigas! Kahit mapagod o mahirapan ang mga artistang tumutulong sa relief work for typhoon victims, higit silang lumalakas.

Iba talaga ang buong pusong dumaramay sa kap­wa.

Rachelle Ann bumagay maging bar girl

Noon pang nagsimula ang auditions for the Miss Saigon revival in Broadway, nabanggit namin na tailormade for Rachelle Ann Go ang role na Gigi, na unang ginampanan ni Isay Alvarez.

Pagdating ng final verdict from the producer ng Miss Saigon, na sisimulan ang rehearsals sa March, ang singing champion nga ang napiling mag-Gigi.

Isang Pinay na lumaki sa States ang gaganap na Kim, ang lead role na unang pinasikat ni Lea Salonga.

Marami pang Pinoy talents sa cast at sa ensemble ng Miss Saigon.

Regine matagal nang naunahan ni Janice sa concept ng cooking show

Luma na ang concept ng Sarap Diva ni Regine Velasquez. Ilang taon na naming pinanonood ang ganoong format sa Spoon ni Janice de Belen on Net 25.

Sana dulutan naman tayo ng bagong putahe!

Show comments