Sen. JV Ejercito is appealing to all our politicians at mga kababayan na rin na sana raw ay huwag nang haluan pa ng political color ang kasalukuyang sitwasyon ngayon ng bansa lalo na nga sa kalagayan ngayon ng Tacloban, Samar, and Ormoc, at iba pang lugar na direktang naaapektuhan ng super typhoon na Yolanda.
Sana raw ay magkaisa na lang ang lahat sa pagtulong para sa agarang pagbangon ng mga nasabing lugar pati na ang lahat ng naging biktima.
Hindi naman kaila sa lahat ang nagaganap ngayon na pati sa relief goods ay nagkakagulo at nag-aaway-away hindi lang ang mga tao kunÂdi maging ang mga pulitiko. Kanya-kanyang paksyon at kanya-kanÂyang interes na ang namamaÂyani.
Ayon kay Sen. JV, nang makausap namin siya sa presscon para sa kanyang fund-raising show entitled Aftershock na gaganapin on Nov. 30 sa San Juan City’s Fil-Oil Flying V Arena, ito raw ang panahon na ipakita natin ang pagkakaisa.
“Sana, at times like these, we should be united and i-set aside na ang political color,†diin niya.
Sa ngayon daw ay ayaw na niyang i-criticize pa ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kahit may nakikita siyang shortcomings and instead gusto na lang daw niya i-suggest na sana ay makapag-appoint ang gobyerno o humingi ng tulong sa mga taong may experience in dealing with this kind of calamity.
Anyway, nag-organize si JV ng benefit show kasama ang city government ng San Juan in partnership with Oplan Kaagapay of the Junior Chamber International Philippines (JCIP) and JCI San Juan Pinaglabanan para makatulong sa mga taong nabiktima ni Yolanda kasama na rin ang Bohol and Cebu na nabiktima naman ng lindol.
Ang focus ng kanilang fund-raising ay rehabilitation para sa mga affected area at sa ating mga kababayan na nawalan ng bahay. Ang kikitain ng concert ay ibibili nila ng yero, pako, semento, at ibang kakailanganin para makapagpagawa ulit ng bahay ang mga homeless nating kababayan.
Set to perform at the Aftershock concert ay ang mga bandang True Faith, Shamrock, Mojofly, Orient Pearl, Nexxus, AlaÂmid, The Youth, Soapdish, at Filipinas Band with Paolo Santos, Nyoy Volante, Luke Mijares, Sheree, Karla Estrada, Alvin Anson, at marami pang iba.
Target ni Sen. JV na makapag-raise ng P3 to P4M sa benefit concert na ito. MaÂtaÂtandaang dati ay nag-organize rin siya ng fund-raising show in 2010 para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong at nakakolekta raw sila ng P2M.
Mark nainip sa paghihintay ng trabaho
Sobrang excited ni Mark Herras sa reunion serye nila ni Jennylyn Mercado na Rhodora X. In fact, nang magkaroon nga raw ng delay ay siya pa ang parating nagpa-follow up sa management kung tuloy pa ba ito.
“Kasi matagal na ’tong sinabi sa amin. Wala pa ’yung Anak Ko ’Yan (show ni Jen), nasabi na sa amin na may Mark-Jen project,†kuwento ni Mark.
“’Tapos nung lumabas ang Anak Ko ’Yan, sabi ko, ‘Teka, may ginagawa na si Jen, so, hindi na siya puwedeng mag-soap.’ Tuloy pa kaya ’yung soap or baka after na show pa niya? Ang tagal naman. Naiinip na ako talaga.â€
Pero nang sabihan na siya na magmi-meeting na sila ni Jen para sa nasabing serye at sabihin na ang title ng show ay doon na siya medyo nakampante at naisip na tuloy na nga.
Sobrang happy niya na si Jen ang makakasama niya na dati niyang girlfriend.
Wala bang pitlag ng puso?
“Pitlag talaga? Hindi, ano, magaan,†sagot ng Kapuso star. “Magaan ang feeling ko talaga na siya ang makakasama ko.â€